Pag-aaral ng Espirituwal na DisiplinaHalimbawa
ANG ESPIRITWAL NA DISIPLINA NG PAGBUBULAY-BULAY
PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Pasalamatan ang Diyos sa kapangyarihan ng Kanyang Salita. Hilingin mo sa Kanya na tulungan kang tumuon sa Kanyang Salita sa buong araw nang sa gayon ay mas maging tulad ka ni Jesus.
PAGSASAGAWA
Maglabas ng isang plato ng meryenda. Bigyan ng permiso ang lahat na kumain sa kondisyong susundin nila ang isang mahalagang utos: Ang isang kagat ng pagkain ay kailangang nguyain ng 20 beses. Pagkatapos, anyayahan ang isa na ilarawan nang detalyado ang iba’t ibang lasa at texture na naranasan.
PALALIMIN PA
Minsan sinasabi ng tao na, “kailangan ko pang nguyain ‘yan” na ibig sabihin, “kailangan ko pang pag-isipan ito nang ilang sandali.” Kapag nagbubulay-bulay tayo sa Kasulatan, naglalaan tayo ng panahon na “nguyain ito.” Kung kumain tayo ng pagkain nang hindi ito nginunguya, hindi natin ito malalasahan nang husto. Ganito rin sa Salita ng Diyos. Kung naglalaan tayo ng oras para pag-isipan kung ano ang kahulugan at paano natin ito gagamitin sa ating buhay, higit tayong makikinabang kumpara sa kung babasahin lamang natin ito at hindi man lamang ito pagiisipang muli. Sinasabi sa Mga Taga-Roma 12:2 na baguhin natin ang ating buhay sa pamamagitan ng pagbabago ng ating isip, o pagbabago sa kung paano natin pinagiisipan ang mga bagay-bagay. Matututo tayong mag-isip tulad ng Diyos sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay-bulay sa Kanyang Salita.
PAKIKIPAG-USAP SA ISA'T-ISA
- Ano ang mga bagay na pinag-iisipan mo nang pinakamaraming oras?
- Paano kaya mababago ang iyong buhay kung naglaan ka ng mas maraming oras sa pagiisip tungkol sa Salita ng Diyos?
- Ano ang isang sipi sa Banal na Kasulatan ang gusto mong umpisahang pagbulay-bulayan?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa gabay na ito, matutuklasan mo at ng iyong mga anak ang apat na espirituwal na disiplina: pag-aayuno, pagbubulay- bulay, pag-aaral ng Banal na Kasulatan, at pagsamba. Mahihikayat kang magkaroon ng tapat na mga pag-uusap tungkol sa mga hamon ng pagsasanay sa mga disiplina na ito, at sa pamamagitan ng mga nakaeengganyo, nakapagpapaisip na mga gawain, magsisimula kang tingnan ang mga ito bilang mga pribilehiyo kaysa bilang mga gawain. Kasama sa bawat araw ang isang paalala para sa panalangin, maikling pagbabasa ng Banal na Kasulatan at paliwanag, aktuwal na aktibidad, at mga tanong para sa pagtatalakay.
More
We would like to thank Focus on the Family for providing this plan. For more information, please visit: www.FocusontheFamily.com