Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-aaral ng Espirituwal na DisiplinaHalimbawa

Learning Spiritual Discipline

ARAW 3 NG 4

ANG ESPIRITUWAL NA DISIPLINA NG PAG-AARAL NG BANAL NA KASULATAN

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang Salita, na tumutulong sa iyo na maunawaan kung ano ang pinakamainam sa iyong buhay, at manalangin na bibigyan ka ng Diyos ng pagnanais na pag-aralan at sundin ito.

PAGSASAGAWA
Kumuha ng isang kuwaderno at panulat, at magtungo sa labas o maggalugad sa loob ng iyong sariling tahanan. Isulat kung ano ang iyong nakikita, naririnig at naaamoy. Ang mga mas bata ay maaaring gawin ito kasama ang isang magulang o kapatid. Kapag tapos na ang lahat, talakayin ang mga detalye na napansin mo nang maingat mong pinag-aralan ang iyong kapaligiran. Pag-usapan kung ano ang hindi mo pa napansin dati.

PALALIMIN PA
Tulad ng makakakita ka ng mga bagong bagay sa pamilyar na kapaligiran, maaari kang makahanap ng mga bagong bagay sa Biblia - kahit na nabasa mo na ito dati. Kapag binabasa mo ang Biblia dapat mong hanapin ang mga bagong detalye ng kung sino ang Diyos, kung anong klase Siya at kung paano ka magiging katulad Niya. Ang isang paraan upang gawin ang mga pagtuklas na ito ay ang pag-aaral ng mga buhay ng mga karakter sa Biblia. O maaari mong pag-aralan ang ilang mga paksa, tulad ng panalangin o pagbibigay. Maaari mo ring pag-aralan ang Biblia mula simula hanggang katapusan at maglakbay kasama ang Diyos sa kasaysayan. Anuman ang uri ng pag-aaral ng Biblia na pinili mo, ang Banal na Espiritu ay binibigyang buhay ang Salita ng Diyos sa iyong puso sa pamamagitan ng pagtulong sa iyo na matuklasan ang mga bagay na hindi mo napansin noon.

PAKIKIPAG-USAP SA ISA'T-ISA
- Anong mga kuwento sa Biblia ang mga espesyal sa iyo? Bakit?
- Ano ang mga pakinabang ng pag-aaral sa Biblia?
- Ano ang ilang paksa na nais mong pag-aralan sa Salita ng Diyos? (Sumangguni sa konkordansiya sa likod ng iyong Biblia para sa mga paksang pangkasalukuyan.)

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Learning Spiritual Discipline

Sa gabay na ito, matutuklasan mo at ng iyong mga anak ang apat na espirituwal na disiplina: pag-aayuno, pagbubulay- bulay, pag-aaral ng Banal na Kasulatan, at pagsamba. Mahihikayat kang magkaroon ng tapat na mga pag-uusap tungkol sa mga hamon ng pagsasanay sa mga disiplina na ito, at sa pamamagitan ng mga nakaeengganyo, nakapagpapaisip na mga gawain, magsisimula kang tingnan ang mga ito bilang mga pribilehiyo kaysa bilang mga gawain. Kasama sa bawat araw ang isang paalala para sa panalangin, maikling pagbabasa ng Banal na Kasulatan at paliwanag, aktuwal na aktibidad, at mga tanong para sa pagtatalakay.

More

We would like to thank Focus on the Family for providing this plan. For more information, please visit: www.FocusontheFamily.com