Pakikipag-usap sa Diyos sa PanalanginHalimbawa
PANANABIK SA DIYOS
PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Magpasalamat sa Diyos na mahal ka Niya at nais Niyang matutunan mong makipag-usap sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin. Hilingin sa Diyos na turuan kang manalangin.
SUMISID
Gumawa ng tatlong grupo ng mga kard na nakasulat ang mga sumusunod; lolo/lola, pinakamatalik na kaibigan, ang iyong pastor, tagabantay sa tindahan, at pinsan ng kapitbahay. Ayusin ang unang grupo ng mga kard at ilagay sa pinakataas ang taong pinakamadalas mong nakakausap at sa ilalim naman ang taong pinakamadalang mong nakakausap. Ayusin sa parehong paraan ang pangalawang grupo, kung saan ang taong pinakagusto mong makasama ang nasa itaas. Ihanay ang pangatlong grupo sa dalawa, at ilagay sa itaas ang taong pinakananabik kang makasama. Tingnan kung paano nagkakapareho ang iyong mga listahan.
PAGTUNGO SA KAILALIMAN
Ang panalangin ay isa lamang pakikipag-usap sa Diyos na nagmamahal sa iyo at naghahangad ng pinakamabuti para sa iyo. Tulad ng pananabik mo sa taong iyong minamahal kapag siya ay nasa malayo, nananabik din ang iyong espiritu para sa Diyos kapag hindi mo Siya nakakausap. Madalas na sinasabi sa Biblia na ang pananabik na ito sa Diyos ay tila pagka-uhaw o pagkagutom. Basahin ang Mga Awit 42:1-2, “Kung paanong batis ang siyang hanap ng isang usa, gayon hinahanap ang Diyos ng uhaw kong kaluluwa. Nananabik ako sa Diyos, sa Diyos na buháy, walang iba. Kailan kaya maaaring sa presensya Mo'y sumamba?" Maaari kang lumapit sa Diyos sa panalangin, at masusumpungan mo Siya, tulad ng paghahanap ng isang usa sa batis kapag ito ay nauuhaw.
PAKIKIPAG-USAP SA ISA’T ISA
- Ano ang naiisip mo kapag ikaw ay nagugutom o nauuhaw?
- Paano nagkakatulad ang pagsama mo sa Diyos sa pagsama mo sa taong iyong minamahal? Paano naman ito nagkakaiba?
- Paano mo masasabing nauuhaw ang espiritu mo sa Diyos?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang buhay may-pamilya ay abala, kaya madalas ay hindi tayo nakakapaglaan ng oras para sa panalangin―kasama na rito ang pagtulong sa ating mga anak na makaugalian ang pagdulog sa Diyos araw-araw. Sa babasahing ito, makikita ng iyong pamilya kung gaano ninanais ng Diyos na marinig tayo at kung paano mapapalakas ng panalangin ang ating ugnayan sa Kanya at sa isa’t isa. Ang bawat araw ay may kasamang hudyat sa panalangin, maikling pagbasa ng Banal na Kasulatan at paliwanag nito, isang hands-on activity, at mga tanong.
More
Nais naming pasalamatan ang Focus on the Family sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaari bumisita sa: www.FocusontheFamily.com