Pakikipag-usap sa Diyos sa PanalanginHalimbawa
PAGPUPURI SA DIYOS SA PANALANGIN
PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Purihin ang Diyos sa paglikha Niya sa iyo at sa pagbibigay Niya ng lahat ng bagay na mayroon ka ngayon, kasama na ang pagkain, tahanan, at mga taong nagmamahal sa iyo.
PAGSISID
Isipin mo ang mga bagay na ipinagpapasalamat mo. Ilista mo ang 10 sa mga ito. Sabihin mo sa isang tao kung bakit ka nagpapasalamat sa bawat isa, at purihin ang Diyos para sa lahat ng ibinigay Niya sa iyo.
PAGTUNGO SA KAILALIMAN
Sa pamamagitan ng maiikling panalangin para sa mga biyaya na patungkol sa pang-araw-araw na buhay, ang mga tao ay natututong magpuri sa Diyos at magpasalamat. Sa sandaling imulat mo ang iyong mga mata sa umaga, maaari kang manalangin ng ganito,"Salamat, O Diyos, sa aking mga mata. Salamat sa aking paningin." Habang ikaw ay nagbibihis, maaari sabihing, “Salamat, O Diyos, sa pagtugon mo sa aking mga pangangailangan — sa pagkakaloob mo sa akin ng mga damit na masusuot, katulad nito,” at sa unang pagtanaw mo sa araw, maaari mong sambitin, “O Diyos, tunay nga na Kayo’y dakila! Salamat sa Inyong mga nilikha." Ang Mga Awit 145:1-2 ay isang magandang halimbawa kung paano papurihan ang Diyos: “Ang kadakilaan ng aking Diyos at Hari ay aking ihahayag; di ko titigilan magpakailanman ang pagpapasalamat, Araw-araw ay aking pupurihin at dadakilain ang Iyong pangalan magpakailanman.” Purihin mo ang Diyos ngayon at sa araw-araw ng iyong buhay!
PAKIKIPAG-USAP SA ISA’T ISA
- Paano nabago ang iyong pag-uugali nang isulat mo ang mga bagay na ipinagpapasalamat mo sa iyong buhay?
- Kung papupurihan mo ang Diyos sa lahat-lahat ng Kanyang ibinigay sa iyo, gaano katagal kaya ito bago matapos?
- Paano ka mababago ng pagpupuri mo sa Diyos?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang buhay may-pamilya ay abala, kaya madalas ay hindi tayo nakakapaglaan ng oras para sa panalangin―kasama na rito ang pagtulong sa ating mga anak na makaugalian ang pagdulog sa Diyos araw-araw. Sa babasahing ito, makikita ng iyong pamilya kung gaano ninanais ng Diyos na marinig tayo at kung paano mapapalakas ng panalangin ang ating ugnayan sa Kanya at sa isa’t isa. Ang bawat araw ay may kasamang hudyat sa panalangin, maikling pagbasa ng Banal na Kasulatan at paliwanag nito, isang hands-on activity, at mga tanong.
More
Nais naming pasalamatan ang Focus on the Family sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaari bumisita sa: www.FocusontheFamily.com