Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pakikipag-usap sa Diyos sa PanalanginHalimbawa

Talking With God In Prayer

ARAW 3 NG 4

PAGTANGGAP NG KAPATAWARAN

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Tahimik na ipagtapat ang mga bagay na nagawa mo na nakasakit sa ibang tao. Humingi ng kapatawaran sa Diyos. Pagkatapos ay pasalamatan Siya sa pagpapatawad Niya sa iyo.

PAGSISID
Sa susunod na kumain kayong mag-anak, magsuot kayong lahat ng earplugs o earphones ngunit mag-usap kayo gaya nang dati, na hindi tinutulungan ang isa't isa na marinig kung ano ang inyong sinasabi. Patuloy ninyong isuot ang mga ito habang nagliligpit kayo ng inyong pinagkainan.

PAGTUNGO SA KAILALIMAN
Kapag hindi ka lumalapit sa Diyos upang humingi ng tawad, para ka na ring tumatangging makinig sa Kanya. Sa hindi mo pakikinig sa Diyos, inilalayo mo ang iyong sarili sa Kanya, tulad nang biglang hindi mo na naririnig ang iyong pamilya. Basahin ang Mga Awit 32:5, “Kaya’t ang mga kasalanan ko’y aking inamin at ang mga pagkakamali ko'y hindi na inililihim. Ako’y nagpasya, ‘Aking ipagtatapat ang aking mga kasalanan sa Panginoon’ — at ang sala ko’y pinatawad Mong lahat.” Kapag humingi ka ng kapatawaran, patatawarin ka ng Diyos. Ito ay para na rin Niyang tinanggal ang earplugs sa mga tenga mo, at naririnig mo na Siyang muli.

PAKIKIPAG-USAP SA ISA’T ISA
- Nasubukan mo na bang itago ang isang kasalanang nagawa mo? Kung gayon, ano’ng naramdaman mo nang ginawa mo ito?
- Ano ang maaaring humadlang sa iyo na lumapit sa Diyos at ipagtapat ang iyong mga kasalanan?
- Ano ang nararamdaman mo kapag pinatatawad ka ng isang taong nagawan mo ng kasalanan?

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Talking With God In Prayer

Ang buhay may-pamilya ay abala, kaya madalas ay hindi tayo nakakapaglaan ng oras para sa panalangin―kasama na rito ang pagtulong sa ating mga anak na makaugalian ang pagdulog sa Diyos araw-araw. Sa babasahing ito, makikita ng iyong pamilya kung gaano ninanais ng Diyos na marinig tayo at kung paano mapapalakas ng panalangin ang ating ugnayan sa Kanya at sa isa’t isa. Ang bawat araw ay may kasamang hudyat sa panalangin, maikling pagbasa ng Banal na Kasulatan at paliwanag nito, isang hands-on activity, at mga tanong.

More

Nais naming pasalamatan ang Focus on the Family sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaari bumisita sa: www.FocusontheFamily.com