Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pakikipag-usap sa Diyos sa PanalanginHalimbawa

Talking With God In Prayer

ARAW 1 NG 4

NANANABIK SA IYO ANG DIYOS

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Pasalamatan ang Diyos sa lahat ng paraan na ikaw ay Kanyang minamahal at inaalagaan. Hilingin mo sa Kanya na ipakita sa iyo kung paano Niya ninanais na makausap ka araw-araw.

PAGSISID
Maghanay ng ilang maliliit na baso sa tabi ng lababo. Isa-isa mong punuin ng tubig ang mga ito. Pag-usapan kung paanong mapupuno ninyo ang lahat ng mga lalagyan sa bahay ninyo ngunit patuloy pa ring aagos ang tubig mula sa gripo. Sa kaparehong paraan, ang pananabik ng Diyos para sa iyo ay hindi tumitigil.

PAGTUNGO SA KAILALIMAN
Ang Diyos ay nariyan para sa iyo sa lahat ng panahon. Kung paanong mapupuno mo ng tubig ang isang baso sa pamamagitan ng pagbubukas ng gripo, ganito mo rin maaaring tamasahin ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ng paglapit sa Kanya sa panalangin. Basahin ang Isaias 30:18: “Naghihintay ang Diyos na tulungan kayo at kahabagan; Siya’y tumatayo upang ipakita ang Kanyang kahabagan sa iyo. Sapagkat ang Panginoon ay Diyos na makatarungan. Mapalad ang lahat ng umaasa sa Kanya!" Nais ng Diyos na lalo ka pang mapalapit sa Kanya, na mapuno ka ng Kanyang pagmamahal at kapayapaan, sapagkat ang Kanyang inaasam ay ang pinakamainam para sa iyo. Bagama’t ang Diyos ay kumikilos para sa iyong kapakanan, ang nais Niya ay ang pagtugon mo sa Kanya, ang iyong malugod na pagtanggap sa Kanya sa iyong buhay. Ang isang paraan kung paano mo magagawa ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Kanya araw-araw.

PAKIKIPAG-USAP SA ISA'T-ISA
-Sino ang taong paborito mong kausapin, at ano ang dahilan kung bakit mo siya naging paborito?
- Ilahad ang isang pagkakataon na gustung-gusto mong makausap ang taong ito. Bakit mo ninais na makausap ang taong ito?
- Bakit kaya naghihintay ang Diyos na tulungan at kahabagan ka?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Talking With God In Prayer

Ang buhay may-pamilya ay abala, kaya madalas ay hindi tayo nakakapaglaan ng oras para sa panalangin―kasama na rito ang pagtulong sa ating mga anak na makaugalian ang pagdulog sa Diyos araw-araw. Sa babasahing ito, makikita ng iyong pamilya kung gaano ninanais ng Diyos na marinig tayo at kung paano mapapalakas ng panalangin ang ating ugnayan sa Kanya at sa isa’t isa. Ang bawat araw ay may kasamang hudyat sa panalangin, maikling pagbasa ng Banal na Kasulatan at paliwanag nito, isang hands-on activity, at mga tanong.

More

Nais naming pasalamatan ang Focus on the Family sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaari bumisita sa: www.FocusontheFamily.com