Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 4Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 4

ARAW 4 NG 7

Ang pinakamasayang manggagawa

O inyong subukan at tingnan na mabuti ang Panginoon!Maligaya ang tao na sa kanya'y nanganganlong. (Mga Awit 34:8)

Nasa opisina ako para sa isang appointment. Habang nakaupo ako sa waiting room, nakita ko ang ilang mga office worker na nagmamadali. Puno ng kaseryosohan at pag-aalala ang kanilang mga mukha, at walang nakangiti. Bawat isa sa kanila ay tila puno ng stress at walang sigla. Nakakalungkot isipin na ang bawat isa sa kanila ay kasisimula pa lang ng kanilang araw ng trabaho at gugugol ng 7 oras sa ganitong kalagayan.

Subalit may nakita akong isang tao na maituturing ko na pinakamasayang manggagawa na nakita ko. Kumakanta pa ang babaeng ito habang nagtatrabaho. Ang ilan sa mga seryoso, nag-aalala, at malungkot na mga manggagawa na nakita ko noong una ay humihinto pa para bumati sa kanya. Agad silang nagsabi ng magagandaang salita at magaan na biro sa kanya. Maliwanag na siya ang tunay na puso ng gusaling ito ng opisina at hindi lamang basta isang janitor na nagpupunas ng sahig.

Pinaalalahanan ako ng babaeng may mop na hindi ang iyong ginagawa ang magpapasaya sa iyo. Hindi rin ang mundong ito ang magpapasaya sayo. Ikaw ang maagdudulot ng kagalakan sa iyong trabaho, at ikaw ang magpapasaya sa mundo. Hindi ka nilikha ng Diyos para maging miserable sa mundong ito. Dinala ka ng Diyos dito upang ipalaganap ang pag-ibig, at ibahagi ang pagmamahal na iyon anuman ang iyong sitwasyon.

Minsan ay isinulat ni George Bernard Shaw na "Ang mga puwersa ng kalikasan maliban sa pagkabalisa, pagkamakasarili, isang bungkos ng sakit at kalungkutan ay nagsasabi na ang mundo ay hindi maglalaan ng sarili sa pagpapasaya sa iyo." Tularan nating lahat ang magandang halimbawang ito ng isang janitor at magdala ng kagalakan sa lugar ng trabaho, kaligayahan sa ating mundo, at pagmamahal sa lahat ng tao sa ating paligid. Maging puwersa tayo ng kagalakan sa kalikasan at mapagmahal na mga anak ng Diyos na nagsisikap na linisin ang mundong ito, gamit ang ating mop at iangat ang mundong ito sa pamamagitan ng ating ngiti.

Pagninilay: Ang pangunahing determinant ng kaligayahan ay ang ating sarili. Hindi ito natutukoy sa mga nangyayari sa ating paligid. Kung pipiliin nating magsaya at magpasalamat, mararamdaman ito ng ating kalooban at maging ng mga kalagayan sa ating paligid. Kaya, magsimulang magalak at ikalat ang kaligayahan sa ating paligid.

Ang susi sa masayang buhay ay ang maging masaya sa ating mga tungkulin. Kapag ang gawain ay naging isang kasiyahan, ang pasanin ay nagiging isang pagpapala.

(Warren Wiersbe)

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 4

Bilang tao, nais natin na ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/