Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 4Halimbawa
Ang kaligayahan ay isang pananaw
Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. (Panaghoy 3:21-22)
Isang sikat na manunulat ang nasa study room niya. Kinuha niya ang kanyang panulat at nagsimulang magsulat:
Noong nakaraang taon, inoperahan ako para tanggalin ang apdo ko. Kinailangan kong manatili sa kama nang mahabang panahon dahil sa operasyon.
Noong taon ding iyon, naging 60 anyos ako at kinailangan kong umalis sa paborito kong trabaho. Gumugol ako ng 30 taon ng aking buhay sa publishing company na ito. Noong taon ding iyon naranasan ko ang kalungkutan sa pagkamatay ng aking ama.
Noong taon ding iyon ay bumagsak ang aking anak sa kanyang medikal na pagsusulit dahil siya ay naaksidente sa sasakyan. Kinailangan niyang manatili sa ospital dahil sa kanyang benda ng ilang araw. Ang pinsala sa kanyang sasakyan ay isa pang pagkawala.
Sa dulo ng kanyang liham, isinulat niya: Isang napakasamang taon!
Nang pumasok sa silid ang asawa ng manunulat, nakita niyang malungkot at nawawala sa sarili ang asawa. Mula sa kanyang likuran, binasa ni misis ang isinulat ng kanyang asawa sa papel. Tahimik siyang lumabas ng silid, bumalik na may dalang isa pang papel, at inilagay ito sa tabi ng sinulat ng asawa.
Nang tingnan ng may-akda ang papel na ito, nakita niya ang kanyang pangalan na nakasulat dito na may sumusunod na pangungusap:
Noong nakaraang taon ay ipinaalis ko ang aking apdo na nagdudulot sa akin ng sakit sa loob ng maraming taon.
Ako ay 60 taong gulang, nasa mabuting kalusugan, at retiro na sa aking trabaho. Ngayon ay magagamit ko na ang aking oras upang makapagsulat ng mabuti, na may higit na pokus at hinahon.
Sa kaparehong taon, ang aking 95-taong-gulang na ama, na hindi umaasa sa sinuman, ay kinuha ng Kanyang Lumikha nang hindi nakaranas ng anumang kritikal na karamdaman.
Noong taon ding iyon, pinagpala ng Diyos ang aking anak ng isang bagong buhay. Nasira ang aking sasakyan, ngunit ang aking anak ay nabuhay nang walang anumang kapansanan.
Sa dulo ng artikulo, ang asawa ay sumulat:
Ang taong ito ay isang taon na puno ng napakaraming pagpapala ng Diyos, at naging maayos lahat!
Natuwa at nabighani ang manunulat sa napakaganda at nakapag-papasiglang interpretasyon ng mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay noong taong iyon.
Dito, pareho ang sitwasyon, ngunit ang mga pagbabago ay ang paraan ng pagtingin mo sa sitwasyon. Sa pang-araw-araw na buhay, dapat nating makita na hindi ang kasayahan ang magdudulot na maging mapagpasalamat tayo. Sa halip ay ang ating malalim na pasasalamat ang magdudulot ng kagalakan sa atin.
Ang lahat ay nangyayari para sa isang mabuting layunin; ang problema lamang ay ang ating oras at ang ating pananaw.
Pagninilay: Alalahanin ang lahat ng kabutihan alang-alang sa kabutihan ng Diyos na Kanyang ipinagkaloob sa ating buhay. Kapag ang mga kabigatan ng buhay ay nagsimulang humila sa ating pabagsak, magsimulang bilangin ang pagpapala ng Diyos paminsan-minsan, manalig na makikita natin na may higit na mga pagpapala kaysa sa mga paghihirap.
Kagalakan ang mararanasan kung hahayaan nating mapagtanto ng ating mga sarili kung gaano kabuti ang mga bagay.
(Marianne Williamson)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bilang tao, nais natin na ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/