Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pitong Tungkulin Ng Banal na EspirituHalimbawa

The Seven Roles Of The Holy Spirit

ARAW 6 NG 7

Ang Banal na Espiritu ang Ating Mang-aaliw

Bago ipinako si Jesus sa krus, gumugol Siya ng maraming oras kasama ang Kanyang mga disipulo at binuksan ang Kanyang puso upang ibahagi ang maraming bagay sa kanila. Sa Kanyang huling mahahalagang oras kasama ang Kanyang pinakamalalapit na mga tagasunod—na tinawag Niyang “mga kaibigan”—marami Siyang sinabi tungkol sa Banal na Espiritu. Nais Niyang malaman ng Kanyang mga disipulo na hindi sila mag-iisa kahit na iiwan Niya sila.

Sinabi sa kanila ni Jesus sa Juan 14:16–18: Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y mananatili sa inyo. Hindi ko kayo iiwang mga ulila; babalik ako sa inyo.

Matapos bumangon si Jesus mula sa mga patay, nang ang Kanyang nalulumbay na mga disipulo ay nagsisiksikan sa loob ng isang bahay na nakasara ang mga pinto, nagpakita si Jesus sa kanila. Pagkatapos Niyang ipakita sa kanila ang Kanyang mga butas na kamay at ang sugat sa Kanyang tagiliran, hiningahan Niya sila at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo” (Juan 20:22).

Madalas nating iniisip na ang Espiritu ay unang ibinigay sa Araw ng Pentecostes, ngunit ang karanasang iyon ay ang ikalawang pakikipagtagpo ng mga disipulo sa Espiritu. Ang kanilang unang pagpapakilala ay naganap noong Linggo ng gabi ng Pagkabuhay na Mag-uli. Dumating na ang Patnubay, gaya ng ipinangako ni Jesus!

Binigyan tayo ng kamangha-manghang regalo. Nang dumating ang Espiritu upang manahan sa iyo, dinala Niya ang buhay na walang hanggan ng Diyos. Binibigyan ka Niya ng hininga ng langit. Ibinibigay Niya sa iyo ang presensya ng Diyos. At higit pa riyan, nagtakda Siya ng walang hanggang paninirahan sa iyo upang hindi mo maramdaman na nag-iisa ka. Literal na mararamdaman ng mga Cristiano ang presensya ng Banal na Espiritu sa kanilang sarili, at habang lumalago tayo sa ating pananampalataya natututo tayong marinig ang Kanyang nakaaaliw na tinig.

Natutunan kong pahalagahan lalo na ang presensya ng Patnubay kapag dumaranas ako ng mahihirap na panahon ng pagsubok, panghihina ng loob, o pakikibaka. Ang Espiritu ay umalalay sa akin ng may pambihirang lakas at pag-asa. Kapag nakararanas ako ng kalungkutan, pinapasaya ako ng Espiritu; kapag ako ay pinagmamalupitan o pinag-uusig, binibigyan Niya ako ng mahimalang biyaya upang magtiis; kapag ako ay inaakusahan o o may maling pagkakaunawaan, ipinaglalaban Niya ang aking pakikibaka; kapag nagkakamali ako at gusto kong sipain ang sarili ko, itinataas Niya ang ulo ko at binibigyan ng malumanay na pagtutuwid at pampatibay-loob; kapag ako ay nasa kawalan ng pag-asa, ipinapaalala Niya sa akin ang mga pangako ng Diyos. Nais Niyang gawin din ito para sa iyo.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

The Seven Roles Of The Holy Spirit

Sa pitong araw na debosyonal na ito batay sa aklat na Set My Heart on Fire ni J. Lee Grady, makikilala mo ang Banal na Espiritu, na kayang gawin ang lahat. Siya ang Espiritu ng Diyos. Walang limitasyong ang Kanyang kapangyarihan at karunungan, ngunit kusa Siyang naparito upang mamuhay sa sinumang taong naniniwala kay Jesu-Cristo.

More

Nais naming pasalamatan si Lee Grady at ang Charisma House sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://bit.ly/heartonfirekindle