Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pitong Tungkulin Ng Banal na EspirituHalimbawa

The Seven Roles Of The Holy Spirit

ARAW 1 NG 7

Ang Banal na Espiritu ang Ating Muling Tagapagbuo

Kilalanin ang Banal na Espiritu, na kayang gawin ang lahat. Siya and Espiritu ng Diyos. Siya ay may walang limitasyong kapangyarihan at karunungan, ngunit kusa Siyang pumarito upang mamuhay sa loob ng sinumang taong naniniwala kay Jesu-Cristo. At nangangahulugan ito na mayroon tayong daan sa Kanyang kamangha-manghang kapangyarihan. Habang pinag-iisipan ko ang gawain ng Banal na Espiritu sa Banal na Kasulatan at sa sarili kong buhay, natukoy ko ang pitong natatanging papel na ginagampanan Niya.

Sinabi ni Jesus kay Nicodemo na tayo ay ipinanganak na muli sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. “Tandaan mo ang sinasabi kong ito:” sabi ni Jesus sa Juan 3:5, “malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.” Ang tunay na pagbabagong-loob ay ang pinakapambihirang bagay na mararanasan natin. Kapag ang isang tao ay naglagay ng kanyang pananampalataya kay Cristo para sa kaligtasan, ang Espiritu ang nagbubukas ng puso at nagbibigay ng banal na buhay.

Pagkatapos ay nananahan Siya sa atin, binibigyan tayo ng katiyakang tayo ngayon ay mga anak ng Diyos. Wala sa atin ang magiging mga Cristiano ngayon kung hindi dahil sa kapangyarihan ng Espiritu na muling bumuo.

At kung naakay mo na ang isang tao sa pananampalataya kay Cristo, alam mong ito ang tunay na pinakakahanga-hangang himala na magagawa ng Diyos. Kung ikaw ay nananalangin para sa isang tao na magsisi at ibigay ang kanyang puso kay Jesus, huwag maliitin ang papel na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa prosesong ito.

Paano nangyayari ang himalang ito? Karaniwan nating sinasabi sa mga bagong Cristiano na si Jesus ay pumasok sa kanilang mga puso sa sandaling sila ay nagsisi sa kanilang mga kasalanan. Ngunit muli, nililimitahan ng ating wika ang kadakilaan ng isang tunay na pagbabagong-loob.

Kapag ang Banal na Espiritu ay pumasok sa buhay ng isang nagsisising mananampalataya, Siya ay literal na humihinga ng bagong buhay sa mga patay! Kung paanong ang propetang si Ezekiel ay nakamasid sa mga tuyong kalansay na tumayo, tumubo ng bagong laman, at huminga muli (Ezekiel 37), ang mga taong patay sa kasalanan ay nabuhay na mag-uli sa isang bagong buhay nang sila ay maniwala kay Jesu-Cristo sa unang pagkakataon.

Huwag kalimutan ang sariwang kapangyarihan ng pagbabagong-loob. Sa lahat ng pagpapakita ng Banal na Espiritu na magagamit natin, ang pagbabalik-loob ang pinakamahalaga—at ang pinakamakapangyarihan. Huwag kailanman maliitin ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu upang baguhin ang isang makasalanan.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Seven Roles Of The Holy Spirit

Sa pitong araw na debosyonal na ito batay sa aklat na Set My Heart on Fire ni J. Lee Grady, makikilala mo ang Banal na Espiritu, na kayang gawin ang lahat. Siya ang Espiritu ng Diyos. Walang limitasyong ang Kanyang kapangyarihan at karunungan, ngunit kusa Siyang naparito upang mamuhay sa sinumang taong naniniwala kay Jesu-Cristo.

More

Nais naming pasalamatan si Lee Grady at ang Charisma House sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://bit.ly/heartonfirekindle