Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pitong Tungkulin Ng Banal na EspirituHalimbawa

The Seven Roles Of The Holy Spirit

ARAW 2 NG 7

Ang Banal na Espiritu ang ating Tagapagbigay-kapangyarihan

Sinabi ni Jesus sa Kanyang unang mga tagasunod na kapag sila ay nabautismuhan sa Banal na Espiritu, sila ay “napagkakalooban ng kapangyarihang mula sa langit” (Lucas 24:49). Parang ito'y maingay at nakakagambala. Parang isang bagay na yayanig sa mundo! Saanman pumunta ang Espiritu, binabago Niya ang mga tao para maging mga radikal. Binibigyan Niya sila ng kapangyarihang mangaral nang buong tapang, pagalingin ang mga maysakit, at buhayin pa nga ang mga patay.

Daan-daang taon bago ibuhos ang Banal na Espiritu sa unang simbahan noong Araw ng Pentecostes, ang propeta sa Lumang Tipan na si Ezekiel, na bagong hirang bilang isang pari, ay nakakuha ng libreng pagpapakita kung paano ipapadala ng Diyos ang Banal na Espiritu upang bigyang kapangyarihan ang Kanyang bayan.

Ang pagpapakitang ito ay dumating sa anyo ng isang parang Technicolor na pangitain na may kasamang mabagyong hangin; isang ulap na kumikinang sa apoy; kidlat; at kakaibang apat na mukhang kerubin na binigyan ng kapangyarihan ng banal na enerhiya ng Diyos.

Ang ibinabahagi ng Diyos kay Ezekiel ay ang himala ng Pentecostes, nang pagkalooban ng Diyos ang Kanyang mga tao ng kapangyarihan mula sa langit. Ang unang mga disipulo ay hindi lamang nakarinig ng tunog ng humahangos na hangin at nakakita ng mga apoy na bumababa sa ulo ng bawat mananampalataya kundi natanggap din nila ang di-natitinag na mga katangian: di-pangkaraniwang lakas, matindi at kakaibang katapangan, at isang kakaibang kakayahang makakita sa di-nakikitang kaharian ng mga misteryo ng Diyos.

Hindi ko iminumungkahi na Siya ay nagdadala ng kaguluhan. Hindi ang Diyos ang may-akda ng kalituhan. Ngunit napakadalas na sinubukan ng simbahang Amerikano na ikulong ang Banal na Espiritu, patahimikin Siya, pigilan Siya, o barilin Siya ng tranquilizer gun para mapanatili natin ang kontrol.

Natatakot ako na sa ilang pagkakataon ay nakiusap tayo sa malakas na Espiritu ng Diyos na lumayo ito sa atin upang magawa natin ang ating maamong bersyon ng simbahan nang wala ang Kanyang hindi inaasahang pagkagambala. Kung tayo ay tapat, aaminin natin na ang simbahan ay naging napakahina, mahiyain, at nakompromiso sa mundo anupa't hindi natin gaanong kahalintulad ang makapangyarihang mga Cristiano noong unang siglo na matapang na nangaral ng ebanghelyo, gumawa ng mga himala, at nagbigay pa nga ng kanilang martir na buhay upang maglingkod kay Cristo.

Ngunit ang pangako ay nananatili para sa atin: sinumang Cristianong may sapat na tapang na anyayahan ang Espiritu upang magbigay ng kapangyarihan sa kanya ay makakaranas ng lahat ng pagpapakita ng kapangyarihan na kumilos sa unang simbahan.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

The Seven Roles Of The Holy Spirit

Sa pitong araw na debosyonal na ito batay sa aklat na Set My Heart on Fire ni J. Lee Grady, makikilala mo ang Banal na Espiritu, na kayang gawin ang lahat. Siya ang Espiritu ng Diyos. Walang limitasyong ang Kanyang kapangyarihan at karunungan, ngunit kusa Siyang naparito upang mamuhay sa sinumang taong naniniwala kay Jesu-Cristo.

More

Nais naming pasalamatan si Lee Grady at ang Charisma House sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://bit.ly/heartonfirekindle