Ang Pitong Tungkulin Ng Banal na EspirituHalimbawa
Ang Banal na Espiritu ang Ating Tagapamagitan
Ito ay isa sa mga pinakadakilang himala ng biyaya. Sinabi sa atin ni apostol Pablo na ang Espiritu Santo na nabubuhay sa loob natin ay “namamagitan para sa atin, at dumaraing sa paraang hindi natin kayang sambitin” (Mga Taga-Roma 8:26). Kahit na hindi tayo marunong manalangin, ang Espiritu ay nananalangin ng perpektong kalooban ng Diyos. Anuman ang uri ng madilim na paghihirap na ating kinakaharap, ang Espiritu ay naghihirap para sa atin hanggang sa tayo ay ligtas na makaahon sa pagsubok.
Naranasan mo na bang “dumaing” sa panalangin? Alam ng karamihan sa atin ang pakiramdam nito. Maaaring hindi tayo makaramdam ng lubos na pananampalataya kapag binibigkas natin ang ating pinakamalalim na daing sa Diyos. Maaari tayong dumaan sa isang mahirap na pakikibaka at hindi masyadong espirituwal.
Baka hindi man lang tayo makapag-ipon ng lakas para magdasal ng kalahating oras. Ang ating mga panalangin ay maaaring isang kahabag-habag na serye ng mga maikling parirala gaya ng, “Tulungan mo ako, Diyos!” o “Panginoon, hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakatagal.”
Ngunit, ayon sa Biblia, ang mga ganitong uri ng panalangin ay makapangyarihan. Ang kailangan mo lang gawin ay basahin ang mga salmo ni Haring David para malaman na dinirinig ng Diyos ang mga panalangin tulad ng: “Sa iyo, Yahweh, aking Diyos, ako'y dumaing” (Ps. 30:2).
At ang nakaaaliw ay kapag nakakaramdam tayo ng pagkabigo sa panalangin o hindi alam kung ano ang sasabihin, ang Espiritu ay nananalangin sa mas malalim na antas sa loob natin—at alam Niya kung ano ang dapat ipanalangin! Iyan ang pangako ng Mga Taga-Roma 8:26.
Marami sa atin ang nasa pinakamatinding yugto ng proseso ng kapanganakan, ang yugto ng pagbabago ng kalagayan. Ang panganganak ay ang panahon na ang isang buntis ay nakakaramdam ng pagkalito, pagkairita, at pagkabalisa. Tinitiis natin ang katulad na damdamin ng desperasyon sa ating paglalakbay sa pananampalataya. Tinatanong natin ang ating sarili, “Talaga bang ipinangako sa akin ng Diyos iyon?” Lahat ng nasa loob natin ay gustong tumigil sa paniniwala.
Ganito gumagana ang proseso ng paghihirap—at nasa atin ang Banal na Espiritu upang tulungan tayo sa pasakit. Nagdarasal Siya nang may mga daing na napakalalim para sa mga salita hanggang sa ipanganak ng pananampalataya ang sagot na hinihintay natin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa pitong araw na debosyonal na ito batay sa aklat na Set My Heart on Fire ni J. Lee Grady, makikilala mo ang Banal na Espiritu, na kayang gawin ang lahat. Siya ang Espiritu ng Diyos. Walang limitasyong ang Kanyang kapangyarihan at karunungan, ngunit kusa Siyang naparito upang mamuhay sa sinumang taong naniniwala kay Jesu-Cristo.
More