Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pamumuhay sa Kabutihan ng DiyosHalimbawa

Living Out God's Goodness

ARAW 4 NG 4

PAGSALAMIN SA KABUTIHAN

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang kabutihan sa atin. Hilingin mo sa Kanyang tulungan ka upang maipakita mo ang Kanyang kabutihan sa ibang tao.

PAGSASAGAWA
Kumuha ng isang salamin at tumayo malapit sa bintana kung saan malakas ang sinag ng araw. (Kung walang maliwanag na sinag ng araw, gumamit ng ilawan.) Ikiling ang salamin sa paraang maaaninag ang liwanag. Magsalitan sa paghawak ng salamin at sa pagpapakinang ng liwanag ng araw sa isa't-isa. Iwasang itapat sa mata ng mga tao ang kinang ng liwanag. Sa halip, ituon ito sa kanilang mga puso.

PAGPAPALALIM
Ang mga taong tumayo sa naaninag na liwanag ng salamin ay nakikitang ang liwanag ay nagmula sa bintana at hindi sa taong may hawak ng salamin. Sa ganito ring paraan, maaari nating ipakita ang kabutihan ng Diyos sa ibang tao. Sinasabi sa Mateo 5:16 na, "Dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit." Ang kabutihan ng Diyos ay kumikinang sa pamamagitan mo at ito ay may kapangyarihang makapagpabago ng mga puso. Kapag gumagawa ka ng kabutihan para sa ibang tao, ipinapakita mo sa kanila ang kabutihan ng Diyos.

PAKIKIPAG-USAP SA ISA'T-ISA
- Sa anu-anong mga paraan mo maipapakita ang kabutihan ng Diyos sa ibang tao?
- Ang maruming salamin ay nakapagpapalalabo ng repleksyon. Ano ang maaaring makapagpalabo sa paglalarawan mo ng kabutihan ng Diyos?
- Ano ang maaari mong gawin upang mapanatili mong maliwanag at malinis ang iyong salamin?

Banal na Kasulatan

Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Living Out God's Goodness

"Magpakabuti ka!" paulit-ulit na naririnig ng mga bata—sa kanilang mga magulang, guro at mga naghahari-hariang mga nakatatandang kapatid. Ngunit ano nga ba ang "kabutihan"? Sa apat na araw na gabay na ito, ikaw at ang iyong mga anak ay magkasamang matutuklasan ang pagkkaiba ng kumikilos ng maayos sa tunay na pagiging mabuti. Sa bawat araw ay may kalakip na panalanging panghimok, maikling pagbabasa ng Banal na kasulatan at paliwanag, mga aktwal na gawain at katanungang magagamit sa talakayan.

More

From Focus on the Family's www.focusonthefamily.com/youversion. © [2011] [Jeanne Gowen Dennis]. Used by permission. For more information, please visit: www.focusonthefamily.com/youversion.