Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pamumuhay sa Kabutihan ng DiyosHalimbawa

Living Out God's Goodness

ARAW 3 NG 4

MABUBUTING MOTIBO

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Magpasalamat sa Diyos dahil Siya ang nagbibigay sa atin ng dahilan upang gumawa ng mga tamang bagay. Hilingin mo sa Kanyang tulungan ka upang mabigyan Siya ng karangalan sa pamamagitan ng mga tamang pagpili.

PAGSASAGAWA
Gumawa ng isang "tanikala ng mabubuting gawa." Gupitin ang ilang piraso ng papel sa pantay-pantay na haba. Sa bawat piraso ng papel, sumulat ng isang mabuting gawang maaaring gawin para sa isang miyembro ng pamilya o kaibigan. Sa pamamagitan ng pangkola o tape, bumuo ng kawing-kawing na silo (isang tanikala) gamit ang mga pira-pirasong papel na sinulatan. Ang bawat miyembro ng pamilya ay maaaring mag-alis ng isang silo bawat araw at gawin ang mabuting gawang nakasulat doon para sa ibang tao. Narito ang dapat mong isaalang-alang: Huwag mong sasabihin sa kanyang ginawa mo ito. Hayaang ang kabutihan ang maging tampulan sa halip na ang pagkuha ng pagkilala para sa paggawa ng isang mabuting bagay.

PAGPAPALALIM
Maganda kapag napapansin tayo sa paggawa ng mabuti. Ngunit hindi tayo dapat gumawa ng mabubuting gawa dahil gusto nating mapansin ng iba. Sinabi ni Jesus, "Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit" (Mateo 6: 1). Ang dahilan kung bakit ginagawa natin ang isang bagay (ang motibo) ay kasing-halaga rin ng ginagawa natin (mabuting gawa). Ang tunay na kabutihan ay buhat sa ating pag-ibig sa Diyos at sa ating pagnanais na kalugdan Niya. Ang pagmamahal natin para sa Kanya ay ang pinakamahusay na pagganyak upang gumawa ng mabuti dahil nagdudulot ito ng karangalan sa Diyos.

PAKIKIPAG-USAP SA ISA'T-ISA
- Magsabi ng isang panahon kung saan gumawa ka ng isang mabuting bagay dahil nais mong magustuhan o kaya ay mapansin ng ibang tao.
- Mas mahirap bang gumawa ng isang mabuting gawa kung alam mong walang makakapansin dito? Bakit o bakit hindi?
- Bakit nalulugod ang Diyos kapag gumagawa ka ng mabubuting gawa nang palihim?

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Living Out God's Goodness

"Magpakabuti ka!" paulit-ulit na naririnig ng mga bata—sa kanilang mga magulang, guro at mga naghahari-hariang mga nakatatandang kapatid. Ngunit ano nga ba ang "kabutihan"? Sa apat na araw na gabay na ito, ikaw at ang iyong mga anak ay magkasamang matutuklasan ang pagkkaiba ng kumikilos ng maayos sa tunay na pagiging mabuti. Sa bawat araw ay may kalakip na panalanging panghimok, maikling pagbabasa ng Banal na kasulatan at paliwanag, mga aktwal na gawain at katanungang magagamit sa talakayan.

More

From Focus on the Family's www.focusonthefamily.com/youversion. © [2011] [Jeanne Gowen Dennis]. Used by permission. For more information, please visit: www.focusonthefamily.com/youversion.