Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pamumuhay sa Kabutihan ng DiyosHalimbawa

Living Out God's Goodness

ARAW 2 NG 4

KAHUSAYAN NG PAGKATAO

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Pasalamatan ang Diyos na maaari kang magtiwala sa Kanya, kahit na tila baga hindi tama ang mga nangyayari, dahil ang Kanyang kabutihan at ang Kanyang pag-ibig para sa iyo ay hinding-hindi magbabago.

PAGSASAGAWA
Magsalitan sa pagtatago sa likod ng pinto. Ang taong nakatago ay maaaring magpahayag ng anumang ekspresyon na nais niya — nakakatawa, malungkot, galit. Ngunit kapag binuksan na ng isang pang miyembro ang pinto, kailangan ay nakangiti na ang nakatago nang pagkalaki-laki. Pagkatapos, kailangang hulaan ng ibang miyembro ng pamilya kung anong ekspresyon ang kanyang ginawa bago ito nagbago.

PAGPAPALALIM
Sinusubukan mong magmukha at kumilos nang pinakamabuti sa harapan ng ibang tao, ngunit paano kapag wala nang nakatingin sa iyo? Ang iyong kabutihan ay hindi kayang tukuyin sa pamamagitan ng kung paano ka nakikita ng ibang tao, kundi sa kung sino kang talaga sa kaloob-looban. Sinasabi sa Mga Awit 44:21 na batid ng Diyos ang mga lihim ng puso. Batid Niya ang iyong iniisip, ginagawa at sinasabi — kahit nag-iisa ka. Kasama mo lagi ang Diyos, at tinutulungan ka Niyang manatiling matibay at gumawa ng mabubuting desisyon.

PAKIKIPAG-USAP SA ISA'T-ISA
- Ano ang ilan sa mga paraang ginagawa mo upang subukang ipakita ang "pinakamabuting mukha" mo sa harapan ng ibang tao?
- Ano ang nararamdaman mo sa kaalamang lagi mong kasama ang Diyos?
- Paano itong nakakatulong sa iyo sa paggawa ng mabubuting desisyon kapag may kasama kang ibang tao at kapag nag-iisa ka lamang?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Living Out God's Goodness

"Magpakabuti ka!" paulit-ulit na naririnig ng mga bata—sa kanilang mga magulang, guro at mga naghahari-hariang mga nakatatandang kapatid. Ngunit ano nga ba ang "kabutihan"? Sa apat na araw na gabay na ito, ikaw at ang iyong mga anak ay magkasamang matutuklasan ang pagkkaiba ng kumikilos ng maayos sa tunay na pagiging mabuti. Sa bawat araw ay may kalakip na panalanging panghimok, maikling pagbabasa ng Banal na kasulatan at paliwanag, mga aktwal na gawain at katanungang magagamit sa talakayan.

More

From Focus on the Family's www.focusonthefamily.com/youversion. © [2011] [Jeanne Gowen Dennis]. Used by permission. For more information, please visit: www.focusonthefamily.com/youversion.