Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pamumuhay sa Kabutihan ng DiyosHalimbawa

Living Out God's Goodness

ARAW 1 NG 4

MABUTI ANG DIYOS

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Pasalamatan ang Diyos dahil sa mga handog Niyang kaloob na pakikipagkaibigan at pag-ibig para sa atin, at hilingin sa Kanyang tulungan ka upang makilala Siya at lalo pa Siyang ibigin.

PAGSASAGAWA
Gumawa ng paboritong inumin (smoothie, root beer float, milk shake, etc.) para sa bawat miyembro ng iyong pamilya. Bigyan ang bawat isa ng straw na magagamit sa pag-inom. Pagkatapos ay hamunin silang uminom nang hindi lumalapat ang straw sa inumin.

PAGPAPALALIM
Nang sinubukan mong uminom na hindi lumalapat ang straw sa inumin, natuklasan mong hindi ito maaari. Noon lamang napalibutan ng inumin ang straw ay saka lamang dumaloy ang sarap mula sa tasa patungo sa straw. Sinabi ni Jesus na tanging ang Diyos ang mabuti (Lucas 18:19), kaya't hindi mo kayang maging mabuti kung wala Siya. Upang tunay na "malasap" ang kabutihan ng Diyos, kailangan mong ilublob ang sarili mo sa Kanya. Ito'y parang pag-inom mo sa kabutihan Niya. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagtanggap mo kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas at sa patuloy mong pagsusumikayp sa iyong relasyon sa Kanya. Kumikilos ang Diyos sa puso mo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban (Mga Taga-Filipos 2:13). Habang ikaw ay nananalangin at natututo sa Salita ng Diyos, lalago ka sa pakikipag-ugnayan mo sa Kanya, at ang Kanyang kabutihan ay nabubuo sa iyo.

PAKIKIPAG-USAP SA ISA'T-ISA
- Sa anong mga paraan mo "nalalasap" ang kabutihan ng Diyos?
- Ano ang ilan sa mga bagay na humahadlang sa iyo upang magawa ito?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Living Out God's Goodness

"Magpakabuti ka!" paulit-ulit na naririnig ng mga bata—sa kanilang mga magulang, guro at mga naghahari-hariang mga nakatatandang kapatid. Ngunit ano nga ba ang "kabutihan"? Sa apat na araw na gabay na ito, ikaw at ang iyong mga anak ay magkasamang matutuklasan ang pagkkaiba ng kumikilos ng maayos sa tunay na pagiging mabuti. Sa bawat araw ay may kalakip na panalanging panghimok, maikling pagbabasa ng Banal na kasulatan at paliwanag, mga aktwal na gawain at katanungang magagamit sa talakayan.

More

From Focus on the Family's www.focusonthefamily.com/youversion. © [2011] [Jeanne Gowen Dennis]. Used by permission. For more information, please visit: www.focusonthefamily.com/youversion.