Paglago Kay KristoHalimbawa
ANG PAGIGING MATANDA AY HINDI NANGANGAHULUGAN NG PAGIGING MAY-GULANG
Mga kapatid, kung tungkol sa mga bagay na ito, huwag kayong mag-isip-bata. Kung sa masasamang bagay, maging tulad kayo ng mga batang walang malay sa kasamaan. Ngunit sa pang-unawa, mag-isip matanda kayo (1 Corinto 14:20)
Ang bawat tao'y tatanda, ngunit ang bawat isa ay kailangang magsikap, sumubok, at magpagal upang maging isang may sapat na gulang. Dapat nating matanto na ang pagiging may-gulang ay ang kalidad ng buhay ng isang tao tungo sa kanyang sarili, sa iba, at sa buhay. Gayunpaman, maraming tao ang hindi namamalayang hindi nauunawaan ang tunay na pagiging may-gulang at nahuhulog sa huwad na pagkamay-gulang.
Ang maling pagkamay-gulang ay isang kaguluhan sa lipunan sa mga nagbibinata at nagdadalaga, at mga kabataan na nagnanais na igalang ng iba bilang mga nasa may hustong gulang. Bilang resulta, ang binatilyo at ang binata ay gumagawa ng mga bagay na pang-matanda (na kadalasang negatibo), tulad ng paninigarilyo, paghahagibis, at kahalayan.
Ang maling pagka-maygulang na ito ay nangyayari dahil sa:
1. Hindi pagkaramdam ng pagpapahalaga ng pamilya, palaging itinuturing bilang isang bata
2. Impluwensiya ng maling relasyon
3. Impluwensiya ng mga bagay na kanilang binabasa at pinapanood
4. Ang pagpapalagay na ang pagkamay-gulang ay kasingkahulugan ng kalayaan
5. Mababang pagtingin sa sarili, atbp.
Sinabi ni Apostol Pablo sa batang si Timoteo, “Huwag hamakin ng sinuman ang iyong kabataan, kundi maging halimbawa sa mga mananampalataya sa salita, sa paggawi, sa pag-ibig, sa espiritu, sa pananampalataya, sa kadalisayan.” (1 Timoteo 4:12). Magkaroon ng kumpiyansa na maging huwaran sa iyong kabataan. Huwag lamang tumanda, ngunit subukang maging may-gulang.
Pagninilay:
1. Sagutin nang tapat ayon sa iyong kasalukuyang sitwasyon. Ikaw ba ay espirituwal na may-gulang? Ipaliwanag ang iyong sagot!
2. Nagkikimkim ka pa ba ng kasinungalingan sa iyong pagkamay-gulang? Kung gayon, banggitin ito at ipaliwanag kung bakit mayroon ka pa rin nito!
Aplikasyon:
Matutong maging huwaran sa iyong mga salita, pag-uugali, at mabuting gawa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang ating buhay espirituwal ay gaya ng halaman na lumalago at namumunga. Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa ating paglago kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/