Paglago Kay KristoHalimbawa
HANAPIN MUNA ANG KAHARIAN NG DIYOS
Sa halip, unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at pati ang mga pangangailangan ninyo ay ibibigay niya.” “Kayong mga tagasunod ko ay kaunti lang.[a] Ngunit huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya. (Lukas 12:31-32)
Isang araw, ipinaliwanag ng isang guro sa Sunday School ang isang kuwento tungkol sa isang mayaman. Kumuha siya ng kandila, sinindihan ang mitsa, pagkatapos ay ipinakita ito sa mga batang Sunday school. “Mga bata, maliwanag ang kandilang ito, tama? Naaalala nyo ba ang kuwento sa Bibliya tungkol sa liwanag?” Isang bata ang nagtaas ng kanyang kamay at sumagot, “Naaalala ko ito, guro. Iyan ang kuwento tungkol sa Panginoong Jesus bilang liwanag ng mundo.” “Matalino ka,” puri ng guro sa kanyang estudyante. Dumukot ang guro sa kanyang bulsa, kumuha ng perang papel na P500.00 piso, pagkatapos ay inilagay ang pera sa harap ng kandila. Muli siyang nagtanong, “Ngayon, ano ang nakikita mo?” Sabay-sabay silang sumagot, “Pera!” “Lahat ng tao kailangan ng pera. Meron bang hindi kailangan ng pera?” Nagpatuloy ang guro, “Ngayon, nakikita mo pa ba ang liwanag ng kandila?” Sumagot ang mga bata, “Hindi” Pagkatapos ay inilipat ng guro ang mga perang papel sa likod ng kandila. “Ngayon, ano ang nakikita mo ngayon?” “Ang kandila at pera,” matigas na sagot ng isang bata.
Iyan ang buhay ng isang Kristiyano na nais ng Diyos mula sa atin. Iyan ay hindi nangangahulugan na ang mga Kristiyano ay hindi maaaring maging mayaman. Ang mga Kristiyano ay maaaring maging mayaman. Subalit, ang Panginoong Hesus ang dapat nating unahin. Ang krus ay dapat nasa harap natin, at ang mundo ay dapat nasa likod natin. Kapag inuna natin ang Panginoong Hesus sa ating buhay, hindi natin kailangang sobrang magtrabaho para yumaman dahil ibibigay ng Panginoon ang lahat ng ating pangangailangan. Tulad ng ilustrasyon sa itaas. Kapag inilagay natin ang pera sa likod ng kandila, makikita pa rin natin ang kandila at ang pera.
Tandaan na ang Panginoong Hesus ang pinagmumulan ng ating mga pagpapala. Iyan ang dahilan kung bakit sinabi sa atin ni Haring Solomon na “Huwag labis na magpagal para yumaman.” (Kawikaan 23:4). Inutusan din tayo ng Panginoong Hesus na "hanapin ang kaharian ng Diyos, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo." (Mateo 6:33).
Pagninilay:
1. Sino o ano ang nasa puso mo? Kayamanan, kapangyarihan, o iba pa?
2. Nauuna ba ang Diyos sa iyong puso kaysa sa lahat ng mga bagay sa paligid mo?
Aplikasyon:
Unahin natin ang Diyos sa bawat aktibidad natin. Kapag ginawa natin iyon, idaragdag ng Diyos ang lahat ng kailangan natin
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang ating buhay espirituwal ay gaya ng halaman na lumalago at namumunga. Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa ating paglago kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/