Paglago Kay KristoHalimbawa
NAMUMUNGA KA NA BA?
Manatili kayo sa akin at akoʼy mananatili sa inyo. Hindi makakapamunga ang isang sanga malibang nakakabit ito sa puno. Ganoon din naman, hindi kayo makakapamunga kung hindi kayo mananatili sa akin. “Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin. (Juan 15:4-5)
Sa mga talatang nasa itaas, maliwanag na inilalarawan ng Panginoong Hesus ang ating buhay kasama Siya. Makikita natin sa Kanyang pahayag na ang mabungang Kristiyano ay direktang resulta ng matalik na relasyon kay Hesus. Sinabi ni Hesus na Siya ang puno at ang mga mananampalataya ay ang mga sanga. Yan ang relasyon na hindi mapapalitan ng iba. Ang mga sanga ay hindi makakakuha ng pagkain nang direkta mula sa mga ugat. Alam natin sa pagbasang ito na dalawa lang ang ating mapagpipilian tungkol sa pagiging mabunga: mamunga o maitapon.
Bakit mahalaga ang pamumunga sa ating buhay Kristiyano? Iyan ay dahil tiyak na mamamatay tayo kung hindi tayo magbubunga. Dapat nating maunawaan na ang Panginoong Hesukristo ay naglaan ng Kanyang buhay sa bawat buhay natin. Kaya naman, tiyak na tayo ay lalago at mamumunga. Karamihan sa mga mananampalataya ay hindi naiintindihan na sila ay magbubunga lamang kapag sila ay nananatili kay Hesus o may malalim na kaugnayan sa Kanya. Sa kabaligtaran, palagi silang umaasa ng bunga sa isang iglap lamang.
Ang mabungang buhay ay isang napaka-natural na proseso sa ating espirituwal na karanasan. Ang natural na proseso ay nangangahulugan na ang prosesong ito ay nangyayari ng kusa. Hindi ito ginagawa o pinagpaplanuhan. Ito ay natural na bunga ng isang proseso na nakasaad sa Juan 15:4, “Manatili kayo sa akin at akoʼy mananatili sa inyo. Hindi makakapamunga ang isang sanga malibang nakakabit ito sa puno. Ganoon din naman, hindi kayo makakapamunga kung hindi kayo mananatili sa akin.”
Pagninilay:
1. May bunga ba ang iyong buhay Kristiyano? Anong uri ng prutas ang bunga mo?
2. Kumusta ang iyong relasyon sa Diyos, ang puno?
Aplikasyon:
Piliin nating patuloy na manatili sa Kanya upang patuloy na magbunga ang ating buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang ating buhay espirituwal ay gaya ng halaman na lumalago at namumunga. Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa ating paglago kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/