Paglago Kay KristoHalimbawa
SINO ANG INUUNA MO?
Siya lang ang kilala ko na katulad kong nagmamalasakit sa inyo nang totoo. 21 Ang ibaʼy walang ibang iniisip kundi ang sarili nilang kapakanan at hindi ang kay Jesu-Cristo. (Filipos 2:20-21)
Ang laki ay totoong medyo maliit, ngunit maraming tao ang palaging nagsisiksikan sa elevator. Sa elevator, ang mga taong hindi magkakakilala at hindi pa nagkikita, ay umiiwas na madikit o batiin ang isa't isa. Walang nagsasalita, kahit walang babala na "Bawal Magsalita" sa elevator. Hindi natin namamalayan, ang sitwasyon sa elevator ay naglalarawan sa estado ng mundo kung saan ang bawat tao ay may makasariling kaisipan. May malayong damdamin, pag-iisa, at malalim na pagitan ang isa't isa.
Ang liham ni Apostol Pablo sa mga taga-Filipos sa itaas ay nagpapakita ng pagiging makasarili ng lahat ng tao, kabilang na ang mga mananampalataya, tinitingnan lamang nila ang kanilang mga kapakanan at hindi ang kapakanan na nais makita ni Kristo Hesus. Hindi ba ito ang madalas nating nakakaharap ngayon? Ang doktrina ng indibiduwalismo ay tumataas at ang pagiging makasarili ay nagiging problema na kadalasang kinakaharap ng mga tao sa pangkalahatan. Ang mga taong makasarili ay sumusunod sa konsepto na, "Kung hindi ito makakapahamak sa akin, bakit ko ito aalalahanin? Kung masyado akong magmamalasakit sa ibang tao, makakapahamak ito sa aking pamilya at sa akin".
Iba ang itinuturo sa atin ng konsepto ng Salita ng Diyos. Itinuturo nito sa atin na pangalagaan ang isa't isa gaya ng pag-aalaga natin sa ating sarili. Isinulat pa nga ni Apostol Pablo na ang perpektong pag-ibig ay di-makasariling pag-ibig (1 Corinto 13:4-5).
Pagninilay:
Naisip mo na bang maging pagpapala sa isang taong hindi mo kilala?
Aplikasyon:
Tingnan natin ang ating mga sarili. Ano ang pangunahing inuuna at pinagtutuunan natin sa buhay: ang Diyos, ang iba, o ang iyong sarili?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang ating buhay espirituwal ay gaya ng halaman na lumalago at namumunga. Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa ating paglago kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/