Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano (Hindi) Iligtas ang Mundo: Ang Katotohanan Tungkol sa Paghahayag ng Pag-ibig ng Diyos sa Taong Katabi moHalimbawa

How (Not) to Save the World: The Truth About Revealing God’s Love to the People Right Next to You

ARAW 5 NG 5

Paano (Hindi) Iligtas ang Mundo: Parating Magsarili

Noong umpisahan ko ang aking ministeryo, gumugol ako ng higit apat na taon sa paglalakbay sa iba-ibang simbahan at kaganapan sa buong bansa. Nakitira ako bilang bisita sa iba't ibang tao sa mga panahong ito at kahit kailan ay hindi ko ginustong manatili nang matagal at samantalahin ang pagtanggap sa akin. Maaga kong nakilala sina Sean at Shelley. Naimbitahan akong magtanghal sa kanilang nalalapit na limang-linggong serye sa simbahan at mananatili ako sa kanilang silid-pambisita sa kanilang bahay. Tinuring nila akong parang kapamilya. Habang nakapakainit ng pagtanggap nila sa akin, mas naiisip ko na para silang baliw. Hindi ko kailangan ang tulong o awa nila—alam ko kung paano alagaan ang sarili ko. Narito lang ako para sa trabaho. Sinubukan kong maglagay ng pagitan sa amin.

Nang magdesisyon akong maglakbay, naramdaman ko ang kakulangan sa suporta at pag-iisa na hindi ko naranasan noon, pero isa akong palaban. Napatunayan ko sa sarili ko nang paulit-ulit na mas marami akong magagawa nang nag-iisa kumpara sa kayang gawin ng mas maraming tao. Nakakapagpabagal sa akin ang hayaang makialam ang ibang tao, at iiwan ko rin naman ang tahanan nina Sean at Shelley pagkatapos ng isang buwan.

Taon ang dumaan bago ko napagtanto ang sana ay alam ko na sa buong buhay ko: Parating pagsasarili? Yan ang paano (hindi) iligtas ang mundo. Ang katotohanan ay kung nag-iisa tayo hindi natin matutupad ang kabuuang mga layunin ng Diyos sa ating buhay at maging kung sino tayo sa pagkakagawa ng Diyos sa atin. Ang komunidad ay maaaring mahirap na bagay. Marami sa atin ay nagkaroon ng ugnayan sa isang komunidad na sinaktan tayo ng todo, at ayaw nating magtiwala sa mga maling tao. At nagdesisyon tayo na kaya nating mag-isa kung kinakailangan. 

Ang Manlilikha ng sansinukob ay ginawa tayo para sa isang komunidad—sa Diyos at sa isa't isa. Hindi opsyonal ang komunidad. Mahalaga ito sa ating mga buhay para marating ang kabuuan ng ating potensyal. Binibigyang-kapangyarihan tayo ng komunidad hindi lamang para tapusin ang mga gawain kung saan tinawag tayo ng Diyos kundi bigyang-katuparan ang pagkakalikha Niya sa atin. At alam ito ng Kaaway. Gusto niyang paniwalaan natin ang kasinungalingan na hindi natin kailangan ang komunidad.

Ipinakita sa akin nina Sean at Shelley kung ano ang komunidad na tunay na naka-sentro kay Jesus. Napagtanto ko na kaya kong mabuhay mag-isa, pero hindi ko masusunod ang Diyos sa pinakamahusay kong kakayahan kung hindi ko hahayaan ang tunay na pagkakaibigan. Itinuro nila sa akin na maaari akong maging bahagi ng paglikha ng klase ng komunidad na ipinapanalangin ko. 

Kapag naglagay ng isang tao ang Diyos sa iyong buhay, huwag mong balewalain ito. Kapag ginawa mo, hindi mo makikita ang iba't ibang klase ng relasyong nakapagbibigay-buhay sa paligid mo na magtatayo sa iyo at magpapalakas sa iyo. Pigilan mo ang tuksong maglilimita sa gustong gawin ng Diyos sa iyo at sa pamamagitan ng buhay mo at sa pamamagitan ng Kanyang mga tao.

Para sa marami sa atin ang unang hakbang ay magsimulang tumanggap at magsimulang humingi. Magdesisyon ka na ang iyong layunin ay karapat-dapat gawin, at dahil pinalalakas ito ng komunidad, karapat-dapat itong sugalan at gawan ng hakbang. Kung magdesisyon tayong mabuhay mag-isa, hinding-hindi tayo magiging pinakamahusay. Ang Simbahan ay plano ni Jesus para marating ang mundong lubos ang pangangailangan sa Kanya. Mas nagkakaisa tayo, mas malakas ang ating dating. Tinatawag tayo ng Diyos, ng Kanyang Simbahan, para makipagkaisa sa Kanya sa Kanyang misyon na iligtas ang mundo. 


Tumugon

Bakit minsan mahirap sumali sa isang komunidad? 

Paano ka magiging mas konektado sa isang tunay na komunidad ng mga tapat na tagasunod ni Jesus? Paano ka magiging bahagi sa pagtatayo ng ganoong klase ng komunidad?

Sino ang maaaring magkaroon ka ng tapang na tawagin at magkaroon ng ugnayan? 


Gusto mo bang magkaroon pa ng mas malalim na kaalaman sa kung paano lumaban para sa iyong mga minamahal, at kung paano magkaroon pa ng malalim na pananampalataya?
Mag download ng libreng kabanata ng Paano (Hindi) Iligtas ang Mundo at magkaroon ng dagdag na kaalaman sa aklat dito: www.hosannawong.com/savetheworld


Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

How (Not) to Save the World: The Truth About Revealing God’s Love to the People Right Next to You

Nais mo bang ipaglaban ang mga taong mahal mo at ipakita sa iba kung gaano sila kahalaga sa Diyos? Sa 5-araw na gabay sa pagbabasang ito, batay sa aklat ni Hosanna Wong na How (Not) to Save the World, tuklasin ang mga kasinungalingan na pumipigil sa iyo na mahalin ang iba ayon sa pagtawag sa iyo ng Diyos. Maglaan ng panahon upang tuklasin ang paanyaya ni Jesus na makilala siya at ibahagi siya sa iba sa pamamagitan ng iyong natatanging karanasan.

More

Gusto naming pasalamatan ang HarperCollins/Zondervan/Thomas Nelson sa pagbibigay ng patnubay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://bit.ly/savetheworldyouversion