Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano (Hindi) Iligtas ang Mundo: Ang Katotohanan Tungkol sa Paghahayag ng Pag-ibig ng Diyos sa Taong Katabi moHalimbawa

How (Not) to Save the World: The Truth About Revealing God’s Love to the People Right Next to You

ARAW 1 NG 5

Paanong (Hindi) Iligtas ang Mundo: Umasa sa Iyong Sariling Kapangyarihan

Nagtatag ang mga magulang ko ng isang outreach para sa mga naninirahan sa kalye sa distrito ng Tenderloin ng San Francisco, kaya ang malaking bahagi ng aking kamusmusan ay nasa mga lumang parke kasama ang aking pamilya na nagsasagawa ng pananambahan at pag-aaral ng Bibliya, namimigay ng tanghalian at mga damit, naglalaro ng chess, at nanonood ng basketball. Siyam na taon ako nang matunghayan ko ang unang pagpatay. Dalawang grupo na nasusuklam sa isa't isa ang nagkaroon ng engkwentro at nagsaksakan ng kutsilyo at nagkalipunpon ang mga tao. Pagkatapos ay tumabi ang mga tao at isang tao ang natumba sa basag na daan na may kutsilyong nakabaon sa kanyang dibdib.

Habang nakatingin sa sapatos kong sira-sira, nakatayo sa parkeng gustong-gusto ko, may masamang pakiramdam sa tiyan ko. Alam ko na nakakita ako ng bagay na hindi ko dapat makita. Nakaramdam ako ng hindi ko pa naramdaman noon. Kasalanan. Natatandaan ko yung pakiramdam na dapat na may iniligtas ako, pero hindi ko ginawa. Natanim sa puso ko kung paano maagang bagabagin ng kunsensya. Patuloy silang umusbong na parang mga damo. Sumali ako sa maraming outreach sa aming komunidad, pero tila hindi nababawasan ang pangangailangan ng aking kapitbahayan. Sinikap kong gumawa pa ng higit, magligtas ng mas marami, at magligtas nang mas mahusay, pero ang nakakadismayang resulta ay nagdulot sa akin ng kawalan ng katiyakan at galit.

Paano man o saan man tayo lumaki, marami sa atin ang nakakaalam ng pakiramdam kung paano malula at madismaya dahil sa di nalulutas na mga pangangailangan sa paligid natin. Masakit nating nababatid na nasasaktan ang ating mga mahal sa buhay. Nakakatakot na umaayon tayo sa katotohanan na ang mundo natin ay matinding nangangailangan ng pagliligtas. Gusto nating maging bahagi ng solusyon. Gusto kong ibigay sa iyo ang nakapagpapalayang katotohan: si Jesus ang Tagapagligtas. Si Jesus ang may kapangyarihang magligtas, at wala tayo noon.

Alam ko ang pakiramdam na maniwala sa kasinungalingan na bilang tagasunod ni Jesus ay katungkulan kong iligtas ang lahat sa paligid ko. Ang katotohanang hindi natin trabaho ang magligtas ay nakapagpapalaya. Si Jesus ang tagapagligtas ng buong mundo. Trabaho Niya ito. Hindi tayo nilalang para umasa sa sarili nating kapangyarihan at dalhin sa ating balikat ang bigat ng pagliligtas sa lahat. Kailangan natin ng isang higit na mas makapangyarihan sa atin. 

Subalit hindi dumating si Jesus para magligtas gamit ang mapwersang kapangyarihan. Hinubad ng Tagapagligtas ang Kanyang panlabas na kaningningan at “hinubad niya ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin, ipinanganak siyang tulad ng karaniwang tao” para magsilbi sa ibang tao (Mga Taga Filipos 2:7 RTPV 05). Dumating Siya para makihalubilo, mahalin, at pagsilbihan ang mga makasalanan. Sa ating pagsisikap na maging tila-Tagapagligtas, at mabuhay ng tulad ni Jesus, ang pagsisilbi ang ehemplo na ibinigay sa atin. Ang pagtawag para maging tulad ni Jesus ay hindi pagtawag para magligtas. Ito ay pagtawag para magsilbi. Wala na ang pakiramdam ng pagkakasala dahil nabigo natin ang Panginoon. 

Si Jesus ang Siyang nagliligtas, at tayo ang Kanyang tagakwento. Malaya kang ibahagi ang kamangha-manghang balita kung ano ang ginawa ni Jesus sa iyong buhay nang hindi nababahala kung ano ang magiging resulta nito. Kaya ibahagi mo ang iyong kwento kahit na hindi ito perpekto, pagsilbihan mo ang mga tao na maaaring hindi magpakita ng pasasalamat, at ibahagi mo si Jesus sa mga taong maaaring hindi kailanman tatanggap sa Kanya. 


Tumugon

Ano ang panganib kung umasa tayo sa sarili natin kapangyarihan sa halip na sa Diyos?

Paano ka pinalalaya ng katotohanan na si Jesus ang Siyang nagliligtas at tayo ay Kanyang tagakwento para ibahagi si Jesus sa iba?

Paano mo susundan ang halimbawa ni Jesus ng pagsisilbi at malayang ibahagi ang Kanyang pag-ibig sa isang taong malapit sa iyo ngayon.?


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

How (Not) to Save the World: The Truth About Revealing God’s Love to the People Right Next to You

Nais mo bang ipaglaban ang mga taong mahal mo at ipakita sa iba kung gaano sila kahalaga sa Diyos? Sa 5-araw na gabay sa pagbabasang ito, batay sa aklat ni Hosanna Wong na How (Not) to Save the World, tuklasin ang mga kasinungalingan na pumipigil sa iyo na mahalin ang iba ayon sa pagtawag sa iyo ng Diyos. Maglaan ng panahon upang tuklasin ang paanyaya ni Jesus na makilala siya at ibahagi siya sa iba sa pamamagitan ng iyong natatanging karanasan.

More

Gusto naming pasalamatan ang HarperCollins/Zondervan/Thomas Nelson sa pagbibigay ng patnubay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://bit.ly/savetheworldyouversion