Paano (Hindi) Iligtas ang Mundo: Ang Katotohanan Tungkol sa Paghahayag ng Pag-ibig ng Diyos sa Taong Katabi moHalimbawa
Paano (Hindi) Iligtas ang Mundo: Lumaban para Maging Tama
Noong labing-walong taon ako, namatay ang tatay ko sa cancer. Ang nakababatang kapatid ko, si Elijah, ay labindalawang taon.
Emosyonal na tumahimik si Elijah at hindi siya nakipag-usap kaninuman tungkol sa kanyang nararamdaman. Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa tatay namin, higit doon, tungkol sa Diyos. Parang walang paraan kung paano kumonekta sa kanya.
Daan-daang milya ang layo ko dahil nasa kolehiyo ako, at kapag tatawagan ko siya para kumustahin, ang gusto lang niyang pag-usapan ay tungkol sa komiks. Hindi nagtagal ay napagtanto ko na kung gusto kong magkaroon ng relasyon sa kapatid kong lalaki, kailangan kong ilubog ang sarili ko sa mundo niya. Dapat na umpisahan kong magbasa ng komiks. Hindi sa antas na mababaw, kundi kailangan kong mahalin ang mahal niya. Kinailangan kong matutunan kung paano niya nakikita ang mundo. Sa sumunod na dalawang buwan, sa tuwing tatawagan ko siya, ang dami naming pinag-uusapan.
Kapag pinaglalaanan natin ng panahon na pumasok sa mundo ng iba, mas epektibo tayong makapag-sasalita sa kanilang buhay. Madalas gusto nating gawin at sabihin ang tama, pero hindi natin isinasa-alang-alang ang konteksto kung sino ang nakikinig sa kabilang bahagi ng ating pinerpektong espirituwal na pananalita.
Madalas, nagagalit tayo sa mga tao sa buhay natin na wala kung saan gusto natin silang naroon, at di natin nakikita ang mundo kung paano nila nakikita ito. Gusto nating pumasok sila sa mundo natin. Para epektibong maipakita kung sino talaga si Jesus at ang buhay na totoong iniaalay Niya, kailangan nating pumasok sa mundo nila, matutunan ang kanilang mga salita at gawi, at lumaban para sa pakikipag-ugnayan. Kailangan nating mahalin ang iba kung paano tayo minahal ng Diyos. Bago nila tayo mahalin, mahalin natin sila. Bago nila tayo piliin, piliin sila. Bago sila pumasok sa mundo natin, pasukin natin ang kanila.
Lumalaban para maging tama? Iyan ang perpektong plano kung paano (hindi) iligtas ang mundo.
Kailangan nating tumigil sa paglaban para maging tama, at simulang lumaban para sa ating mga relasyon.
Mga labing-isang taon pagkatapos noon nang sabihin ng kapatid kong lalaki sa asawa ko at sa akin na gusto niyang ibigay ang buhay niya kay Jesus. Labing-isang taon ng pagkatuto kung sino ang kapatid ko sa mas malalim na antas, pagbibigay-halaga tungkol sa kung ano ang pinahahalagahan niya, at pamumuhunan sa relasyon.
Isa sa mga pangalan ni Jesus ay Immanuel, nangangahulugang ang Diyos ay nasa atin. Tinatawagan Niya tayo para makisama rin sa mga tao. Para pakinggan kung bakit sila nasasaktan. Para samahan sila sa kanilang pagdaramdam.
Maraming pagkakataon ang pinaka-malaki mong saksi ay ang iyong pagiging nariyan.
Hinihiling ng Diyos sa atin na talagang kilalanin ang mga tao nang sa gayon ay makikilala rin nila Siya. Hindi ito magiging madali, pero makapagpapabago ito ng mga buhay. Matutulungan nito ang iba na malaman kung gaano sila minamahal. Walang sinuman ang nasusuklam na sila ay minamahal.
Tumugon
Sino ang pupuntahan mo at sasamahan, kung saan mismo sila naroon? Kaninong pananaw sa mundo ang gusto mong matutunan?
Ano ang panganib kung ang mga Cristianong tagasunod ay parating nakikipaglaban para maging tama, sa halip na makipaglaban para sa relasyon?
Paano maiiba ang hitsura ng ating mga pamilya, mga simbahan, at ang ating mundo kung lagi tayong makikipag-laban para sa tao, hindi laban sa tao, at makikipag-laban para sa mga relasyon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais mo bang ipaglaban ang mga taong mahal mo at ipakita sa iba kung gaano sila kahalaga sa Diyos? Sa 5-araw na gabay sa pagbabasang ito, batay sa aklat ni Hosanna Wong na How (Not) to Save the World, tuklasin ang mga kasinungalingan na pumipigil sa iyo na mahalin ang iba ayon sa pagtawag sa iyo ng Diyos. Maglaan ng panahon upang tuklasin ang paanyaya ni Jesus na makilala siya at ibahagi siya sa iba sa pamamagitan ng iyong natatanging karanasan.
More