Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano (Hindi) Iligtas ang Mundo: Ang Katotohanan Tungkol sa Paghahayag ng Pag-ibig ng Diyos sa Taong Katabi moHalimbawa

How (Not) to Save the World: The Truth About Revealing God’s Love to the People Right Next to You

ARAW 4 NG 5

Paano (Hindi) Iligtas ang Mundo: Mabuhay upang Pasayahin ang mga Tao

Nang umabot na sa 50 ang nanay ko, sinimulan niya ang kanyang pangalawang akto. Ilang dekada na siyang bahagi ng ministeryo sa lansangan ng outreach ng aming pamilya at may boses ng banayad na awtoridad sa mga taong pinaglilingkuran niya. Pero nag-aalanganin siya kung tinatawag siya ng Diyos para sa isang bagong bagay ngayon. Ano ang kahulugan sa kanya, sa ganitong estado ng kanyang buhay, na sumunod sa bagong direksyon na ibinibigay ng Diyos sa kanya? Masyado na bang huli na gumawa ng pagbabago? May tapang ba siya para humakbang tungo sa bagong panawagan?

Sinubukan kong makinig sa kanyang mga takot at suriin ano ang pumupukaw sa puso para makipagsapalaran. Sa wakas inamin niya, na maluwag na nakahinga, “Gusto kong maging preschool teacher.” Natakot ang nanay ko sa kung ano ang sasabihin ng mga tao, at ano ang magiging hitsura kapag gumawa ng bago sa panahong ito sa kanyang buhay.

Nadama natin lahat kung minsan na hindi tayo angkop sa mga pangangailangan para gawin ang mga bagay na tinatawag tayo ng Diyos para gawin. Inaalis natin ang ating sarili sa mga posisyon o papel base sa pamantayan, opinyon, o inaasahan ng ibang tao. Paano tayo mabubuhay para kay Jesus at ipakita si Jesus sa mundo kung parati nating sinisikap na pasayahin ang mundo na siyang iniligtas ni Jesus? Ang mabuhay para sa kasiyahan ng mga tao ay paraan para (hindi) sagipin ang mundo. 

Kung alipin tayo ng kung ano ang sinasabi ng tao, hindi tayo magiging masunurin sa kung ano ang sinasabi ng Diyos. Hindi natin kayang gawin ang hakbang ng pananampalataya kung saan tayo tinatawag ng Diyos habang pinasasaya natin ang tao sa ating bawat galaw. Kung nabubuhay ka para pasayahin ang mga tao, at hindi para pasayahin ang Diyos, hindi ka kailanman hahantong sa buong layunin ng Diyos para sa iyong buhay. Hindi makikilalang tao si Jesus kung patuloy tayong namumuhay para pasayahin an gmga taong pinarito ni Jesus para iligtas.

Dalawang taon nang guro ng preschool ang nanay ko ngayon. Sa kanyang pamumuhay sa bagong panahon ng kanyang buhay, sabi niya sa akin, “Ito ang dapat kong ginagawa. Alam ko, dito ako dapat naririto.” Kaibigan, kalimutan mo ang status quo. Punitin mo ang di nakikitang timeline para sa dapat mong gawin at kung kailan mo dapat gawin ito. Tanggalin mo sa sarili mo ang limitasyon. Tanggalin mo ang limitasyon sa Diyos. May naiibang bagay na gustong gawin ng Diyos sa atin at sa pamamagitan natin sa iba't ibang panahon ng ating buhay. Huwag mo itong madaliin. Huwag mo ito laktawan. Sa sandaling ito na nabubuhay ka, ang Diyos ay mayroong tiyak na bagay para kunin at hawakan mo at may tiyak na bagay para ibigay mo.


Tumugon

Ano ang nagpapahina sa iyo para sundan ang hilig at pagtawag ng Diyos sa iyo?

Ano ang nasa panganib kung mabuhay tayo para sundin ang kultura, o mabuhay papasayahin ang tao sa halip na ang Diyos?

Ano sa pakiramdam mo ang bagay na tinatawag ka ng Diyos ngayon at maaari kang sumagot ng oo?


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

How (Not) to Save the World: The Truth About Revealing God’s Love to the People Right Next to You

Nais mo bang ipaglaban ang mga taong mahal mo at ipakita sa iba kung gaano sila kahalaga sa Diyos? Sa 5-araw na gabay sa pagbabasang ito, batay sa aklat ni Hosanna Wong na How (Not) to Save the World, tuklasin ang mga kasinungalingan na pumipigil sa iyo na mahalin ang iba ayon sa pagtawag sa iyo ng Diyos. Maglaan ng panahon upang tuklasin ang paanyaya ni Jesus na makilala siya at ibahagi siya sa iba sa pamamagitan ng iyong natatanging karanasan.

More

Gusto naming pasalamatan ang HarperCollins/Zondervan/Thomas Nelson sa pagbibigay ng patnubay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://bit.ly/savetheworldyouversion