Ang Daan ng KaharianHalimbawa
Ikaw ang Liwanag ng Mundo
Alam natin na may isang bagay na labis na mali sa kultura. Nakikita natin ang mga sintomas: rasismo, paghahati, karahasan, sex trafficking, pagkagumon, kalungkutan, atbp. Naghahanap tayo ng kahulugan at layunin, sa halip ay nakakahanap tayo ng pagkasira, pagkabigo at pagkadismaya.Tumitingin tayo sa mga lider ng pamahalaan at umaasa na makakahanap ng hustisya at makaligtas mula sa kahirapan at pagkaalipin.
Ang ating kultura ay naging narsisistiko at may pakiramdam na sila ang may karapatan. Sa madaling salita, mahal ng mundo ang sarili. Hindi mapagaling ng pagmamahal sa sarili ang mga sakit ng sangkatauhan, dahil hindi ito makakarinig at makakatugon sa kalungkutan, hindi ito makapagbibigay ginhawa sa nagdurusa, ng pagdamay sa kalungkutan at kapighatian, hindi mapagkakatiwalaan sa problema, o maging isang angkara sa kawalan ng pag-asa o maging tulay sa dibisyon. Ang pagmamahal sa sarili ay hindi maaaring magbigay ng habag, kabaitan, pagdamay o kapahingahan. Hindi sapat ang pagtanggi sa sarili, pagkakaroon ng sariling kalooban, tiwala sa sarili at pagsasakripisyo. Ang pangitain at pagkahilig ay hindi sapat.
Totoo, ang mapagsakripisyo pag-ibig ang kinakailangang pangganyak at pundasyon. Ang pag-ibig na ito ay inaalis ang lahat ng iba pang mga pag-ibig—ang pag-ibig sa sarili, pag-ibig sa katanyagan, pag-ibig sa tagumpay, pag-ibig sa pera, pag-ibig sa kapangyarihan at pag-ibig sa kasiyahan. Kapag walang nag-aalab na pag-ibig para sa Diyos at sa iba, hindi natin maaaring tanggihan ang ating sarili o supilin ang ating pagmamahal sa sarili. Kapag mayroon tayong tunay at masigasig na pagmamahal sa Diyos, doon lamang tayon maaarig magkusang-loob, nang walang alinlangan, na ibigay ang ating buhay para sa iba.
Ang mapagsakripisyong pagmamahal ni Cristo na nasa atin at sa pamamagitan natin ang panlaban sa karamdaman ng ating kultura.Dapat itong maging panghikayat na nagtutulak sa atin na maging mga nilalang ng Kaharian na tumutugon sa paraan ng Kaharian. Kapag nagmamahal tayo tulad ng ginagawa ni Jesus, handa tayong magsakripisyo tulad ng ginawa Niya.
Hinihikayat tayo ng gayong pag-ibig, na pinalalakas ng biyaya, at lalakad tayo na mayroong matapang na pananampalataya upang makipaglaban para sa Kaharian laban sa madilim na puwersa na nang-aalipin sa sangkatauhan. Mamuhay tayo ng isang pamumuhay ng Kaharian tulad ng ginawa ni Jesus. Si Jesus at ang Kanyang Ebanghelyo ang sagot. Tayo, ang Kanyang mga nilalang, ay nagtataglay ng lunas.
Ikaw ang liwanag ng mundo at ang asin ng sandaigdigan. Puspos ka ng Banal na Espiritu na magbibigay-daan sa iyong gawain. Ang iyong lugar ng misyon ay ang iyong pamilya, kapitbahayan at lungsod. Kahit saan ka pumunta, naghihintay ang mga tao upang mapagaling, mapalaya, mahikayat sa mga Salita ng Diyos at madala sa Kaharian sa pamamagitan ng kaligtasan. Gagawin mo ba ang iyong bahagi upang maglingkod sa Hari at isulong ang Kanyang Kaharian?
Iniangkop namin ang gabay na ito mula sa ibang mapagkukunan, matuto nang higit pa sahttp://bakerpublishinggroup.com/books/the-way-of-the-kingdom/395660.
Tungkol sa Gabay na ito
Ginigising ng Diyos ang Kanyang Simbahan, at kailangan nating makita ang malaking larawan. Kapag mahirap ang panahon, matutukso tayong bumitaw. Gayunpaman, hindi ito ang oras upang huminto. Samahan mo kami sa pag-aaral kung paano basahin ang mga panahon na ating kinalalagyan, gayundin ang pagkakaroon ng mga estratehiya kung paano panindigan at isulong ang Kaharian ng Diyos.
More