Ang Daan ng KaharianHalimbawa
Ang Pagkaroon ng Tainga Para Magkinig
Ang pangunahing paraan ng pagpapasa ng kasaysayan, Kasulatan at mga tradisyon para sa bansang Israel ay sa pamamagitan ng salita. Ang Diyos ay nagsalita sa maraming paraan at sa maraming pagkakataon sa pamamagitan ng mga propeta. Nais ng Diyos ang isang bayan na nakikinig sa Kanyang tinig at nabubuhay ayon sa bawat salita na lumalabas sa Kanyang bibig. Ang pagkakaroon ng mga tainga upang makinig ay lalong mahalaga noong panahon ni Jesus.
Kapag Siya ay nagsasalita, oras ito para makinig at umunawa. Sinasabi sa atin ng Biblia na ang pakikinig ay nauugnay sa pananampalataya at katapatan. Ang mga tainga para sa pandinig ay isang idiomatikong parirala na tumatawag sa mga tagapakinig na magkaroon ng bukas na puso at isip sa kung ano ang malapit nang ipahayag. Sa madaling salita, ang pagsasabing, "Siya na may mga tainga sa pakikinig, hayaan siyang makinig," ay katulad din ng pagsasabi ng, "Gumising ka at makinig mabuti!" Ang may espirituwal na pananaw lamang ang makakaunawa sa espirituwal na mga pahayag.
Gaano karami ang napalagpas ang kilos ng Diyos dahil sa hindi nila nabanaag ang ginagawa ng Diyos? Sila ay umiwas sa halip na buksan ang kanilang mga puso at isipan. Ininsulto, pinuna at ipinagtanggol nila ang kanilang posisyon kaysa magbago. Panahon na para tayo ay maging mga anak ng liwanag na may angking talino at mga tainga upang makarinig. Hindi natin maaaring paglingkuran ang kultura at pulitika at magagawa pa ring makuha ang lugar natin sa Kaharian. Ang mga paggalaw ng lugar o estado, mga biglaang pagbabago at maging mga krisis ay maaaring parehong lumikha ng mga walang katulad na pagkakataon para sa pagsulong ng Kaharian at mag-udyok ng mga malikhaing estratehiya ng Kaharian para sa mga aspeto ng pananalapi, negosyo, pulitika, pamilya, edukasyon at ministeryo. Makakatagpo tayo ng mga mahigpit na sitwasyon na kailangan nating pagdaanan upang mapasaatin ang mga pagkakataon na mabubuksan ng mga ito.
Ang Katawan ni Cristo ay dapat magising sa mga pagkakataon na nakikita sa gitna ng krisis. Dapat nating makita at marinig nang may bagong pang-unawa, at dapat nating pahintulutan ang kahirapan na pasiglahin ang mga malikhaing estratehiya para sa pagsusulong ng Kaharian. Hayaan nating maimpluwensyahan ng Espiritu ang ating mga inaasahan at mga salaysay upang ang ating mga pananaw sa mundo at pag-iisip ay maiayon sa Kaharian ng Diyos para sa ating henerasyon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ginigising ng Diyos ang Kanyang Simbahan, at kailangan nating makita ang malaking larawan. Kapag mahirap ang panahon, matutukso tayong bumitaw. Gayunpaman, hindi ito ang oras upang huminto. Samahan mo kami sa pag-aaral kung paano basahin ang mga panahon na ating kinalalagyan, gayundin ang pagkakaroon ng mga estratehiya kung paano panindigan at isulong ang Kaharian ng Diyos.
More