Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Daan ng KaharianHalimbawa

The Way of the Kingdom

ARAW 1 NG 5

Naghihinanakit ka ba?

Nang siya na ay nasa wastong gulang, ginugol ni Juan Bautista ang kanyang buhay sa pagpapahayag ng pagdating ng Mesiyas. Si Juan ay pinsan ni Jesus, na nangangahulugang alam nila ang mga himala na nakapalibot sa kapanganakan ng isa't isa. Ngayon, na lubusang sinimulan ang kanilang mga ministeryo, kapwa si Juan at si Jesus ay may tiwala na nagpapahayag na ang Kaharian ay malapit na. Tila nagkakaisa sila.

Gayunpaman, sa hindi inaasahang pagkakataon, ipinadala ni Juan ang kanyang mga disipulo upang tanungin si Jesus kung Siya ang Mesiyas o kung dapat silang maghanap ng iba. Hindi ba alam ni Juan? Tiyak na tila alam niya. Ngayon parang naguguluhan na siya.

Inaasahan ni Juan ang isang rebolusyonaryo na magpapabagsak sa mga sistemang pampulitika, relihiyon at kultura noong kanyang panahon. Naniniwala siya na ang Mesiyas ay mamumuno sa isang matuwid na paghihimagsik na sinusuportahan ng Diyos. Ngunit nasaan si Juan ngayon? Siya ay nakagapos sa bilangguan na dumanas ng karahasan sa mga kamay ng di-matuwid at idolatrosong si Herodes. Ano ang ginagawa ni Jesus tungkol dito? Wala ni isang bagay.

Kung si Jesus ang Siyang itinakdang darating, hindi ba Niya itatatag ang Kanyang Kaharian, kikilos upang pabagsakin ang mga mang-aapi sa lipunan at pulitika, manghihikayat ng isang reporma kabilang ang mga relihiyosong pinuno at itatanghal ang Kanyang sarili bilang ang matuwid na itinalaga ng Diyos na Hari? Hindi ba Siya makikialam sa kalagayan ni Juan sa bilangguan, yamang Siya ay magdadala ng Kanyang mabagsik na hatol sa lahat ng kasamaan? Ayon sa inaasahan ni Juan, ang sagot ay oo.

Binalaan ni Jesus si Juan na huwag masasaktan. Kailangang labanan ni Juan ang tukso at piliin na maniwala kahit na sa harap ng mga insulto, kawalang-katarungan at pinsala. Para kay Juan, walang magiging pagliligtas. Ang pagkasira sa kanyang mga inaasahan ay nagdulot sa kanya ng pagkalito, pag-aalinlangan at pagkatukso na mawalan ng paniniwala. Sa karanasang iyon at sa mga pangyayaring iyon, tinawag siya ni Jesus sa pananampalataya.

Gaano kadalas, kapag hindi nangyari ang ating inaasahan o kapag nadama na natin ang matalim na dulo ng pagsalungat at kawalang-katarungan, tayo'y naghihinanakit sa Diyos? Nagsisimula tayong magduda sa Kanyang pag-ibig, sa Kanyang kabutihan, sa Kanyang katapatan, sa Kanyang presensya at maging sa Kanyang realidad. Ilan ang tumalikod at hindi na sumunod kay Jesus dahil sa bagay na ito? Ganito pinapatay ng kaaway ang pagkilos ng Espiritu.

Tayo ay nasa dulo ng isa pang dakilang pagkilos ng Diyos. Kung nais nating lumakad sa daan ng Kaharian at sumama sa Diyos sa isang pagkilos ng Espiritu sa ating henerasyon, kailangan nating maging walang kapintasan.



Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Way of the Kingdom

Ginigising ng Diyos ang Kanyang Simbahan, at kailangan nating makita ang malaking larawan. Kapag mahirap ang panahon, matutukso tayong bumitaw. Gayunpaman, hindi ito ang oras upang huminto. Samahan mo kami sa pag-aaral kung paano basahin ang mga panahon na ating kinalalagyan, gayundin ang pagkakaroon ng mga estratehiya kung paano panindigan at isulong ang Kaharian ng Diyos.

More

Salamat sa Baker Publishing sa paglalaan ng gabay na ito. Para sa ibang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://bakerpublishinggroup.com/books/the-way-of-the-kingdom/395661