Ang Daan ng KaharianHalimbawa
Kapayapaan sa Pag-uusig, Walang Takot sa Pagdurusa
Ang bawat mananampalataya ay makakaranas ng pag-uusig at mga uri ng pagsalungat sa kanilang pamumuhay nang may pagsunod Diyos. Hindi ito bago. Ang pag-uusig ng Cristiano ay umiral na mula pa noong simula ng Simbahan. Ang nararanasan natin sa mundo ngayon ay tanda sa atin ng sumusulong na Kaharian ng Diyos. Wala sa mga ito ay nakakagulat sa Diyos. Inaasahan ito mismo ni Jesus, at alam Niyang haharap din tayo sa problema at pagdurusa sa mundo; samakatuwid, ginawa Niya and lahat ng paraan para sa atin sa pamamagitan ng pagbuhos ng Kanyang Espiritu.
Dahil dito, hindi natin itatanong kung darating o hindi ang pagdurusa at pag-uusig. Ito ay darating. Ang itinatanong natin ay kung paano tayo tutugon. Magtatago ba tayo sa isang dampa, isusubsob ang ating mga ulo sa buhangin o tatalikuran ang ating buhay? Ipagtatanggol ba natin ang ating mga sarili, maghahanda ng paghihiganti at mabubuhay sa isang pag-iisip na tayo-o-sila? Hindi. Hindi ito ang paraan ng Kaharian ng Diyos.
Nakay Cristo tayo, at si Cristo, ang Prinsipe ng Kapayapaan, ay nasa atin sa pamamagitan ng kaloob ng Espiritu. Ang kapayapaan ni Cristo ay nagbibigay-daan sa atin na lumakad sa awtoridad na ibinigay ng Diyos upang manatili tayong nakatayo, hindi natitinag at matatag, naka-ugat at nakatindig kay Jesus, habang ang mundo ay nanginginig at nangangatog. Magagawa natin ito dahil alam natin na ang ating kawalang-hanggan ay tiyak, at sigurado ang ating awtoridad. Ang Diyos ay nasa ating panig. Ang kapayapaan ni Cristo ay mas malakas kaysa sa pag-uusig sa paligid natin.
Bilang mga tagasunod ni Cristo, malaya nating iniaalay ang ating buhay para sa kapakanan ng Kaharian. Dapat na humantong tayo sa lugar kung saan handa tayong magbayad ng halaga. Ang isang pagnanasa para sa pagpapanatili sa sarili ay maaaring magtulak sa mga tao na gumawa ng mga pagpapasya kung saan makokompromiso ang kanilang mga pagpapahalagang moral at personal na integridad. Hindi nila ginagawa ang alam nilang tama, o napipilitan silang gawin ang hindi nila dapat na gawin sa ilalim ng normal na pangyayari.
Napatawad na ang kasalanan. Nasakop na ang kamatayan. Ibinagsak na si Satanas. Ibinuhos na ang Banal na Espiritu. Ang Kaharian ng Diyos ay sumusulong. Tiniyak ni Jesus ang tagumpay, nangako ng buhay na walang hanggan, ipinalaganap ang Kanyang kapayapaan at nagbigay ng pagtawag at utos. Maaari ba tayong maging mga nilalang na walang takot, kahit na sa harap ng pagdurusa at pag-uusig?
Tungkol sa Gabay na ito
Ginigising ng Diyos ang Kanyang Simbahan, at kailangan nating makita ang malaking larawan. Kapag mahirap ang panahon, matutukso tayong bumitaw. Gayunpaman, hindi ito ang oras upang huminto. Samahan mo kami sa pag-aaral kung paano basahin ang mga panahon na ating kinalalagyan, gayundin ang pagkakaroon ng mga estratehiya kung paano panindigan at isulong ang Kaharian ng Diyos.
More