Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Baluti ng DiyosHalimbawa

The Armor of God

ARAW 5 NG 5

Ipinaliwanag natin ang pananampalataya sa pamamagitan ng isang simpleng kahulugan: kumikilos na parang ang Diyos ay nagsasabi ng katotohanan.

Ang katotohanan ang bisagra kung saan ang buong isyu ng pamumuhay na puno ng pananampalataya ay nakabatay. Kung hindi mo alam ang katotohanan, hindi mo kailanman matututunan kung paano kumilos na kaugnay ito. Kaya ang katotohanan ng pagkatao ng Diyos at ang Kanyang Banal na Salita ang nagbibigay ng balangkas na nagpapahintulot sa ating pananampalataya na yumabong at umunlad.

Sulit ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos dahil sa katotohanan ng Diyos. Kung wala ang katotohanan, wala tayong matibay na pagsasabitan ng ating kalasag ng pananampalataya. Kaya ang pagkakaalam ng katotohanan ng Diyos at ang katotohanan ng Diyos na inihahayag sa Kanyang Banal na Salita ay kritikal para tayo mamuhay ng responsable sa ating pananampalataya, at maranasan ang pakinabang na protektado ng ating mga kalasag.

Anumang talakayan sa pananampalataya ay hindi magiging buo kung hindi nabibigyang-diin ang lubos na kahalagahan ng pakikinig sa tinig ng Diyos nang malinaw at tumpak.

Kung hindi tayo magiging maingat, ang pananampalataya ay madaling maging kamangmangan—hindi kanais-nais, mapambuyo, walang ingat at mapanganib, asal na ginawa sa ngalan ng pananampalataya. Subalit ang tunay na pananampalataya ay dapat laging itinatayo sa pundasyon ng nakasulat na Banal na Salita ng Diyos habang ang Kanyang Espiritu Santo ang maghihikayat sa iyo para gamitin ito sa iyong buhay. Paano mo mailalarawan ang kaibahan ng pananampalataya at kamangmangan? Ano ang nagpipigil sa isang tao para hindi tumawid sa hangganan sa pagitan ng dalawa?

Bilang mga mananampalataya, tayo ay may pribilehiyo na malaman ang Kanyang direksiyon para sa atin habang hinahanap natin ito nang may pananalangin. Siya ay magiging tapat para ipakita sa atin ang katotohanan, para bigyan tayo ng Kanyang direksiyon para sa mga susunod na mga hakbang na dapat nating gawin. Sa katunayan, ang pagtitiwala at paninidigan sa sunod na mga hakbang ay napakahalaga upang matulungan tayong manatiling timbang habang ipinagpapatuloy natin ang isang pamumuhay na napapangalagaan ng kalasag ng pananampalataya.

Sa sandaling malaman mo nang malinaw ang katotohanan ng Diyos o ang pangako ng Diyos patungkol sa isang bagay, panahon na para sumulong sa paraan na kasang-ayon nito. Makinig nang mabuti—ang iyong mga nararamdaman ay hindi dapat maging huling pagtukoy ng kadahilanan ng iyong mga pagkilos. Ang ating damdamin ay nagbabago at ito ay napapailalim sa panlabas na pampasigla. Ang mga kilos na ginawa sa pananampalataya ay dapat naka-angkla sa isang bagay na mas matatag at maayos.

Ang ating Diyos ay totoo at karapat-dapat sundin.

Siya ay laging nariyan—hinihigitan si Satanas sa lakas—para marinig ang ating mga nababagabag na panalangin, mapagtibay and Kanyang walang takot na mga pangako, at ihatid ang susunod na liwanag na kailangan natin para maglakad nang tuloy-tuloy sa Kanyang direksiyon. Itaas ang mga kalasag, mga kawal. Tayo ay naglalakad sa pananampalataya.

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Armor of God

Sa buong araw, araw-araw, isang hindi nakikitang digmaan ang nagngangalit sa paligid mo — hindi nakikita, hindi naririnig, pero nararamdaman sa bawat aspeto ng iyong buhay. Isang nakatuon, mala-demonyong kaaway ang naghahanap para gumawa ng gulo sa lahat ng mahalaga sa iyo: ang iyong puso, ang iyong isipan, ang iyong buhay may-asawa, ang iyong mga anak, ang iyong mga kaugnayan, ang iyong katatagan, ang iyong pangarap, ang iyong kapalaran. Subalit ang kanyang plano sa pakikipagbaka ay umaasa na mahuli kang walang kamalay-malay at hindi armado. Kung ikaw ay pagod nang laging tinutulak sa kung saan-saang direksiyon at nalingat ka sa pagbabantay, ang pag-aaral na ito ay para sa iyo. Ang kaaway ay laging nabibigo kapag nakakakita siya ng isang babaeng nakadamit para sa okasyon.  Ang Baluti ng Diyos, higit pa sa pagiging biblikal na paglalarawan ng imbentaryo ng mananampalataya, ay isang plano ng pagkilos para sa pagsusuot nito at pagbuo ng isang pansariling paraan para matiyak ang tagumpay.

More

Nais naming pasalamatan si Priscilla Shirer at ang Lifeway Christian Resources sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa dagdag na impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.lifeway.com