Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Baluti ng DiyosHalimbawa

The Armor of God

ARAW 3 NG 5

Ang isang sundalong Romano ay "nagbigkis ng kanyang balakang" ng isang bagay na mas malapit sa pambigkis kaysa sa sinturon. (Sigurado akong ito'y isang matipunong lalaki.) Halos lahat ng mga iskolar ay nagkakaisa na higit sa anumang piraso ng damit o aparato ng isang sundalo, itong bigkis na ito—kasama ng kanyang pasikot-sikot na palamuti at mainam na hibilya—ang nagpapahiwalay sa isang sundalo mula sa isang sibilyan. Hindi ito isang bagay na opsyonal isuot, o dagdag na palamuti, katulad ng klase na maaari nating idagdag sa ating damit. Ito ay isang mahalaga, pangunahin at sentrong bahagi ng kanyang kasuotan. Isipin mo iyong malalaking suhay na nakakabit sa balakang na ginagamit ng mga nagtatrabaho sa UPS® at edEx habang nagdadala ng mga mabibigat na pakete.

Ang matibay na bigkis na gawa sa balat na isinusuot ng isang Romanong sundalo ay ginawa para umabot sa palibot ng dibdib at para magbigay ng mahalagang suporta habang ginagawa niya ang mabilis at hinihinging galaw sa giyera. Ang katotohanan ang iyong suporta. Ibinibigay nito ang mahalagang suporta na kailangan mo habang ikaw ay nasa gitna ng espirituwal na giyera.

Tandaan mo, ang pangkalahatang aparato ng kaaway ay panlilinlang. Tinatabingan niya ang katotohanan ng nakakatukso at nakakahimok na mga kulay, inaakit tayo palayo sa malinaw na prinsipyo. Pinapalaganap niya ang pantasya, na nagdudulot ng pansamantala at walang kabuluhang mga bagay para kahit papaano ito ay lumitaw na napakahalaga nito at ito ay kanais-nais.

Ang pagkakabalot niya ay napakahusay na kung hindi natin alam ang katotohanan—ibig kong sabihin ay talagang alam natinito, alam natin ito sa kaibuturan ng ating pagkatao—madali tayong mahuhulog sa kanyang patibong.

Ang katotohanan—na maari nating maipaliwanag na opinyon ng Diyos sa kahit anong bagay—ang ating pamantayan. Ang katotohanan ay kung sino ang Diyos at kung ano ang sinasabi Niya, na pinakamaayos nating masusuma bilang ang Persona ni Jesu-Cristo. Katotohanan ng Diyos. Biblikal na katotohanan. Kung walang konkretong katapatan sa at pagpapahayag kasama ng katotohanang ito—na may totoong katotohanan—maiiwan kang mahina at madaling kumiling sa mga bagay na sa tingin mo ay tama at tunog tama pero hindi talaga tama. Subalit kung may pamantayan ng katotohanan na nasa lugar, maari mong maayos ang lahat ng mga bagay sa iyong buhay—ang iyong pangarap, mga pagpipilian, at nararamdaman; ang iyong kaisipan, kalooban at damdamin—hanggang ang lahat ng ito ay humanay nang tama. Kapag mayroon kang malakas, matibay, at maayos na gabay sa kaibuturan, hindi ka basta-basta maililigaw ng mautak na kasinungalingan ng kaaway. Bigkisin mo ang iyong sarili ng katotohanan, at ikaw ay nakabantay mula sa salitang "alis".

Ang tunay na pagsubok ay darating kapag ang mithiin at pilosopiya ng ating kultura ay umugoy sa kabilang dako, subalit pinipili nating tumayo nang malakas at matatag sa hindi nagbabagong pamantayan ng Diyos. Dumating na ang panahon para sa atin na maging mga babaeng nakabigkis sa katotohanan.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Armor of God

Sa buong araw, araw-araw, isang hindi nakikitang digmaan ang nagngangalit sa paligid mo — hindi nakikita, hindi naririnig, pero nararamdaman sa bawat aspeto ng iyong buhay. Isang nakatuon, mala-demonyong kaaway ang naghahanap para gumawa ng gulo sa lahat ng mahalaga sa iyo: ang iyong puso, ang iyong isipan, ang iyong buhay may-asawa, ang iyong mga anak, ang iyong mga kaugnayan, ang iyong katatagan, ang iyong pangarap, ang iyong kapalaran. Subalit ang kanyang plano sa pakikipagbaka ay umaasa na mahuli kang walang kamalay-malay at hindi armado. Kung ikaw ay pagod nang laging tinutulak sa kung saan-saang direksiyon at nalingat ka sa pagbabantay, ang pag-aaral na ito ay para sa iyo. Ang kaaway ay laging nabibigo kapag nakakakita siya ng isang babaeng nakadamit para sa okasyon.  Ang Baluti ng Diyos, higit pa sa pagiging biblikal na paglalarawan ng imbentaryo ng mananampalataya, ay isang plano ng pagkilos para sa pagsusuot nito at pagbuo ng isang pansariling paraan para matiyak ang tagumpay.

More

Nais naming pasalamatan si Priscilla Shirer at ang Lifeway Christian Resources sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa dagdag na impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.lifeway.com