Baluti ng DiyosHalimbawa
Ang pagiging manananampalataya ay hindi nakakapagbigay sa iyo ng kaligtasan mula sa mga atake ng kaaway, subalit nagbibigay ito sa iyo ng daan tungo sa kapangyaharihan ng Ama—ang Kanyang kapangyarihan na ipaglaban ka pati na rin ang baligtarin kung ano man ang ginawa sa iyo. Kung gusto mong manalo sa laban—kung gusto mong sumama sa akin na mabaligtad ang nangyayari, pabagsakin ang kaaway, at madurog ang impluwensiya niya sa buhay mo—ang susi ay ang malaman mong ikaw ay nauugnay sa mas espirituwal na kalakasan kaysa sa darating laban sa iyo.
Isinulat ni Pablo ang aklat ng Mga Taga-Efeo hindi lamang para tumawag ng pansin sa espirituwal na laban na nagaganap sa hindi nakikita, kahariang hindi nakikita, kundi para sa hangaring ipakita ang lakas na likas sa bawat tao na may relasyon sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Sa Mga Taga-Efeso, itinampok ni Pablo ang isa sa mga pinakamahalaga subalit madalas na nalalampasang aspeto ng ating espirituwal na baluti: panalangin.
Binigyang-diin ni Pablo na ang panalangin ay kritikal sa pagkakaroon ng tagumpay laban sa kapangyarihan ni Satanas sa ating mga buhay kaya, sa obserbasyon ng isang eskolar ay, "ang Mga Taga-Efeso ay may higit pa sa 55% na kasing dami ng mga bersikulo na tuwirang may kaugnayan sa panalangin" kaysa sa aklat ng Mga Taga-Roma, ang pinakamahabang sulat ni Pablo. Makailang beses siyang sumambulat sa pananalangin habang siya ay nagsusulat. At kapag siya ay nanalangin … sinisigurado niyang masabi sa kanyang mambabasa kung ano ang eksaktong ipinagdarasal niya. Alam niyang ang panalangin ay nakakapagpabago ng direksyon ng kanilang buong buhay. Ang tagumpay sa espirituwal na laban ay hindi maihihiwalay sa panalangin.
Basahin ang Mga Taga-Efeso 1:18-21 at 3:14-19. Sa lahat ng mga bagay na ipinapanalangin ni Pablo, ano ang talagang kailangan mong hingin sa Diyos ngayon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa buong araw, araw-araw, isang hindi nakikitang digmaan ang nagngangalit sa paligid mo — hindi nakikita, hindi naririnig, pero nararamdaman sa bawat aspeto ng iyong buhay. Isang nakatuon, mala-demonyong kaaway ang naghahanap para gumawa ng gulo sa lahat ng mahalaga sa iyo: ang iyong puso, ang iyong isipan, ang iyong buhay may-asawa, ang iyong mga anak, ang iyong mga kaugnayan, ang iyong katatagan, ang iyong pangarap, ang iyong kapalaran. Subalit ang kanyang plano sa pakikipagbaka ay umaasa na mahuli kang walang kamalay-malay at hindi armado. Kung ikaw ay pagod nang laging tinutulak sa kung saan-saang direksiyon at nalingat ka sa pagbabantay, ang pag-aaral na ito ay para sa iyo. Ang kaaway ay laging nabibigo kapag nakakakita siya ng isang babaeng nakadamit para sa okasyon. Ang Baluti ng Diyos, higit pa sa pagiging biblikal na paglalarawan ng imbentaryo ng mananampalataya, ay isang plano ng pagkilos para sa pagsusuot nito at pagbuo ng isang pansariling paraan para matiyak ang tagumpay.
More