Pagwawagi sa Digmaan sa Iyong IsipanHalimbawa
Hindi mo mapapamahalaan kung ano ang mangyayari sa iyo, ngunit maaari mong mapamahalaan kung paano mo ito mailalagay sa isip.
Ang GOAT (greatest of all time) ng reframing ay ang apostol Pablo. May planong diskarte si Pablo upang ipalaganap ang ebanghelyo—magpunta sa Roma.
Kung makakarating siya sa Roma at ipaparangaral si Jesus sa mga pinuno roon, ang lungsod ay maaring maging lunsaran upang ipalaganap ang ebanghelyo sa buong mundo.
Nang sa wakas ay nakarating si Pablo sa Roma, ito'y hindi para ibahagi si Jesus sa mga opisyal ng pamahalaan. Pumunta siya roon bilang isang bilanggo. Ikinulong siya sa kanyang tinitirhan, nakakadena sa mga nagsasalit-salitang pangkat ng mga guwardiya, na naghihintay ng posibleng pagkabitay. Nanalangin si Pablo para sa isang pagkakataon, ngunit hindi ito nagaganap.
Ang kalalagayan ni Pablo ay wala sa kanyang pamamahala. Ang mga pangyayari ay madalas wala sa ating pamamahala.
Nakaranas ka na rin ng dinanas ni Pablo.
Naisip mo, Kung makuha ko lamang ang degree na ito, makukuha ko ang trabaho. Nakuha mo ang degree, ngunit hindi mo nakuha ang trabaho. Nagplano kang makakapag-asawa na sa panahong ito, ngunit hindi mo pa natatagpuan si Mr. o Mrs. Right. O ang tamang tao nga ay nakita at napakasalan mo, ngunit nasira ang lahat. Hindi ito ang dapat naging takbo ng buhay. Ikaw ay nananalangin ng maraming taon para sa iyong alibughang anak, ngunit hindi pa sinasagot ng Diyos ang panalanging iyon.
Si Pablo ay nasa kaparehong sitwasyon—mga pangyayaring hindi niya gusto at hindi kayang kontrolin. Sinulatan niya ang iglesia ng Filipos tungkol sa nangyayari sa kanya. Ano kaya ang kanyang sinabi?
Maaari naman niyang sabihin, “Ngayon, nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang nangyari sa akin ay di kanais-nais. Gusto kong ipalaganap ang mabuting balita sa pamamagitan ng pangangaral sa mga opisyal ng pamahalaan, ngunit di ito nangyari. Bilang resulta ng impyernong ito na aking naranasan, napagdesisyunan ko na ang panalangin ay hindi gumagana, at hindi na ako kailanman babalik sa iglesia muli.”
Ngunit hindi ganoon ang isinulat ni Pablo. Maaari naman, ngunit hindi. Tandaan, hindi mapapamahalaan ni Pablo ang mangyayari sa kanya, ngunit maaari niyang ma-kontrol kung paano niya ito ilalagay sa isip. Ito ang aktuwal niyang isinulat para sa mga taga-Filipos:
Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita. Nalaman ng mga bantay sa palasyo at ng iba pang naririto na ako'y nabilanggo dahil sa pagiging tagasunod ni Cristo. At ang karamihan sa mga kapatid ay lalong tumibay sa kanilang pananalig sa Panginoon dahil sa aking pagkabilanggo. Hindi lamang iyon, lalo pang lumakas ang kanilang loob na ipangaral ang salita. Mga Taga-Filipos 1:12–14 RTPV05
Ang sinasabi ni Pablo, “Mayroon akong plano, ngunit may mas magandang plano ang Diyos! Ito ay isang kakaibang paraan ng pagsulong ng ebanghelyo kumpara sa aking iniisip. Pinagpala ako ng Diyos ng mga bantay sa bilangguhan na nakakadena sa akin. Wala silang magagawa kundi makinig sa akin na sabihan sila tungkol kay Jesus! Ang mga kawal na ito ay pinapakinggan ng mga maiimpluwensiyang pinuno! At, pansinin mo ito, sa bawat walong oras na dumaan, may ikinakadena na bagong bantay sa akin! At sa tingin nila ako ang bilanggo! Ha! Kumikilos ang Diyos. Hindi na ako makapaghintay kung anong susunod Niyang gagawin!”
Hindi mo mapapamahalaan kung ano ang mangyayari sa iyo, ngunit maaari mong mapamahalaan kung paano ito mailalagay sa isip. Kung kaya't ang ikatlong kasangkapan upang mabago ang iyong kaisipan ay ang Prinsipyo ng Reframe: I-reframe ang iyong isip, panumbalikin ang iyong pananaw.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Karamihan sa mga labanan ng buhay ay naipapanalo o naipapatalo sa isipan. Kaya papaano natin mapapagwagian ang karamihan ng mga labanang iyon? Sa 7 na araw na Gabay sa Biblia na ito mula sa aklat ni Craig Groeschel na Pastor ng Life.Church, tutuklasin natin kung paano labanan ang mga nakalalasong pag-iisip, pagtagumpayan ang di-masupil na mga kaisipan, at magsimulang mapagwagian ang digmaan sa ating isipan gamit ang katotohanan ng Diyos bilang ating plano sa pakikibaka.
More