Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagwawagi sa Digmaan sa Iyong IsipanHalimbawa

Winning the War in Your Mind

ARAW 2 NG 7

Sa Mateo 4, mababasa natin na si Jesus, pagkatapos ng Kanyang pagpapabautismo, ay nagtungo sa disyerto, kung saan Siya ay nag-ayuno ng apatnapung araw at gabi. Sa panahong iyon pumunta si Satanas sa Kanya upang Siya ay tuksuhin.

Dahil alam Niya na nagugutom na noon si Jesus, sinabi ni Satanas sa Kanya na gawing tinapay ang mga bato. Tulad ng ginawa niya kay Adan at Eva, sinubukan ni Satanas na ipagawa kay Jesus ang isang bagay na hindi bahagi ng plano ng Diyos sa Kanyang buhay. (Iyan din ang ginagawa ni Satanas sa iyo.)

Sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Ang tao'y hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos’” (Mateo 4:4 RTVP05), na sinipi sa Deuteronomio 8:3.

Napagtanto ni Satanas na ang kanyang unang plano ay nabigo, kung kaya't inatake niya si Jesus sa ibang angggulo. (Iyan din mismo ang ginagawa ni Satanas sa iyo.) Parehong pamamaraan, bagong pagtatangka.

Dinala ng diyablo si Jesus sa pinakatuktok ng templo sa Jerusalem at hinamon Siyang magpatihulog. Nagpasiya si Satanas na maaaring laruin ito ng dalawa, kung kaya't binanggit niya ang Awit 91:

“Nasusulat: ‘Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, at sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.’” Mateo 4:6 RTPV05

(Oo, nalalaman din ni Satanas ang Biblia.) Nais niyang tuksuhin si Jesus na patunayan na Siya ang Anak ng Diyos upang puwersahin ang Diyos na magpakita ng katibayan ng Kanyang pag-ibig at kalinga. 

Nanatili si Jesus sa Kanyang direksiyon at simpleng sumagot, “Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos” (Mateo 4:7 RTPV05), halaw sa Deuteronomio 6:16. 

Hindi rin iyon naging matagumpay, kung kaya't sumubok ng ibang paraan si Satanas upang makatagos sa pag-iisip ni Jesus. (Muli, iyan mismo ang ginagawa ni Satanas sa iyo.)

Dinala niya si Jesus sa isang matayog na bundok, at ipinakita sa Kanya ang mga kaharian ng mundo, at inalok ang lahat ng iyon sa Kanya kung yuyukod lamang sa kanya si Jesus at sasambahin siya. Sa oras na iyon napuno na si Jesus sa kanya at nag-utos, “Lumayas ka Satanas!” At pagkatapos binanggit Niya ang Deuteronomio 6:13: “Sapagkat nasusulat: ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sasambahin’” (Mateo 4:10 RTPV05). 

Hindi ba't dapat nating gayahin ang pamamaraan ni Jesus?

Tatlong beses, sa tatlong magkakaibang mga pagkakataon at mga tukso, isiniwalat ni Jesus ang kasinungalingan ni Satanas at nagbahagi ng katotohanan ng Salita ng Diyos na Kanyang sinasaulo mula nang Siya ay isa pang batang Judio. 

Kaya, ang unang kasangkapan na aking natutuhan na nagpanumbalik sa aking isipan at nagpabago sa aking buhay ay ang Replacement Principle: Alisin ang kasinungalingan, palitan ng katotohanan. Kapag naunawaan mo ang kasangkapang ito, itong sandatang ito, maaari mo itong gamitin nang madalas upang baguhin ang iyong isipan at ang iyong buhay.

Ang malinaw na halimbawa ni Jesus, na inidetalye sa atin sa Mateo 4, ay ang dahilan kung bakit mahalaga na nalalaman natin ang Biblia. Bilang mga tagasunod ni Cristo, binibigyan natin ng prayoridad ang pagbabasa ng Biblia, pakikinig sa pagtuturo ng Biblia, pagsali sa mga pag-aaral sa Biblia, at pagsasapuso ng Salita ng Diyos upang magamit natin ang espada laban sa kasinungalingan ng kaaway.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Winning the War in Your Mind

Karamihan sa mga labanan ng buhay ay naipapanalo o naipapatalo sa isipan. Kaya papaano natin mapapagwagian ang karamihan ng mga labanang iyon? Sa 7 na araw na Gabay sa Biblia na ito mula sa aklat ni Craig Groeschel na Pastor ng Life.Church, tutuklasin natin kung paano labanan ang mga nakalalasong pag-iisip, pagtagumpayan ang di-masupil na mga kaisipan, at magsimulang mapagwagian ang digmaan sa ating isipan gamit ang katotohanan ng Diyos bilang ating plano sa pakikibaka.

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: www.craiggroeschel.com