Pagwawagi sa Digmaan sa Iyong IsipanHalimbawa
Ang ikalawang makatutulong upang baguhin ang iyong pag-iisip ay ang Rewire Principle: Baguhin ang koneksiyon sa utak, baguhin ang isipan.
Anumang pag-uudyok tungkol sa pera ay nagdudulot sa akin ng takot, pag-iisip ng kawalan ng sapat na pera, at ang pangangailangan na mag-ipon pa para sa kasiguruhan. Kapag ako ay naudyok dahil sa pera, ako ay napupunta sa kasanayan na—ganyan lang talaga ako mag-isip—kaya't kinailangan kong gumawa ng depensa ng katotohanan.
Ang magandang balita ay ang Biblia ay may sinasabi tungkol sa ating mga problema. Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng katotohanan na nagbibigay ng kapangyarihan na umalis sa mga nakasanayan na nakasisira at tumungo sa landas na patungo sa buhay. Ano ang sinasabi ng Biblia patungkol sa aking mga takot at suliranin patungkol sa pera? Narito ang ilan sa aking mga bersikulo:
- Naranasan ko na ang maghikahos; naranasan ko na rin ang managana; natutuhan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. Mga Taga-Filipos 4:12 RTPV05
- "Ililigtas ko kayo at gagawing pagpapala para sa kanila." Zacarias 8:13 RTPV05
- "Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap." Mga Gawa 20:35 RTPV05
- Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 2 Mga Taga-Corinto 9:8 RTPV05
- At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Mga Taga-Filipos 4:19 RTPV05
Mula sa mga ito ay nakalikha ako ng isang "deklarasyon"—kung ano ang aking idedeklara na katotohanan sa aking pakikipaglaban sa mga kasinungalingan na natutukso akong paniwalaan. Ang hangarin ng deklarasyon ay maging bagong neural pathway, ang aking sadyang paggawa ng depensa ng katotohanan.
Narito ang aking deklarasyon na nakabatay sa Salita ng Diyos:
Ang pera ay hindi at hindi kailanman magiging problema para sa akin. Ang Diyos ay ang masaganang Tagapagbigay na tumutugon sa bawat pangangailangan. Dahil ako ay pinagpala, palagi akong magiging pagpapala. Mangunguna akong wagas na bukas-palad, dahil alam kong tunay na higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap.
Isa lamang ito sa aking mga deklarasyon na tuwirang nangungusap sa aking problema na bumabagabag sa akin sa loob ng maraming taon. Ang mga pahayag na ito ay gumagawa ng bagong landas, na patungo sa kapayapaan at pagiging bukas-palad.
Anong bagong neural pathway ang kailangan mong likhain? Ito ay depende sa lumang pathway, hindi ba?
Hanguin ang iyong mga deklarasyon mula sa katotohanan ng Diyos at gawin itong sa iyo. Maging malikhain. Isulat ang iyong mga deklarasyon sa paraang mangungusap at magbibigay ng inspirasyon sa iyo. Ilagay ito sa mga lugar na madali mong makikita at isaulo ang mga ito. Ilagay ang mga ito sa iyong phone na madali mong ma-swipe at ma-scroll. I-record ang mga ito sa mga voice memo at pakinggan habang nag-eehersisyo o nagmamaneho. Ang pagpapauulit-ulit ay magpapalalim sa iyong depensa, at gagawing mas madaling tahakin ang mga bagong landas.
Isulat ang iyong mga deklarasyon na pawang katotohanan, kahit na hindi mo pa ito lubos na pinaniniwalaan. Sa bawat bagong deklarasyon, ating inaangkin ang tagumpay na sumasaatin dahil kay Cristo, at kailangan nating lumikha ng neural pathway na nagpapatunay sa ating kakayahan na wasakin ang mga moog at pagtagumpayan ang mga labanan.
Lahat ng ito ay tila kamangmangan sa simula. Tandaan, anumang bago ay may kakaibang pakiramdam sa umpisa. May sasabihin kang isang bagay na nais mong paniwalaan, ngunit ang iyong buhay ay may ibang ipinapakita. Ayos lamang iyon. Huwag kang panghinaan ng loob. Huwag kang susuko. Ang hatak ng iyong dating masamang pag-iisip ay mas malakas pa kaysa sa iyong inaakala. Labanan ang mga kasinungalingan. Patuloy na baguhin ang iyong isipan sa pamamagitan ng katotohanan ng Diyos, at ang mga ito ay magiging totoo sa iyo.
Tungkol sa Gabay na ito
Karamihan sa mga labanan ng buhay ay naipapanalo o naipapatalo sa isipan. Kaya papaano natin mapapagwagian ang karamihan ng mga labanang iyon? Sa 7 na araw na Gabay sa Biblia na ito mula sa aklat ni Craig Groeschel na Pastor ng Life.Church, tutuklasin natin kung paano labanan ang mga nakalalasong pag-iisip, pagtagumpayan ang di-masupil na mga kaisipan, at magsimulang mapagwagian ang digmaan sa ating isipan gamit ang katotohanan ng Diyos bilang ating plano sa pakikibaka.
More