Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Direksyon Bago ang PagpapakasalHalimbawa

The Pre-Marriage Course

ARAW 5 NG 5

Pakikipagsapalaran

Ang pag-aasawa ay nagbibigay sa atin ng isa sa pinamalaking pagkakataon ng buhay at isa sa pinakamalaking hamon:

  • ang pagkakataong bumuo ng pinakamalapit sa mga relasyon, ang mga benepisyo na higit pa kaysa sa ating mga sarili
  • ang hamon upang patuloy na matuto kung ano ang kahulugan ng pagmamahal sa isang tao, na tingnan hindi lamang ang iyong pangangailangan at patuloy na tuklasin kung anong mahalaga para sa iyong kapareha, at pagkatapos ay gumawa ng mga pag-aayos ng ating mga ugali

Magkasundo sa inyong mga prayoridad

Maaaring magkakaiba ang ating personalidad, ngunit ang pagkakaroon ng magkatulad na pangunahing pinahahalagahan at isang napagkasunduang lupon ng mga prayoridad ay makakatulong sa mag-asawang bumuo ng isang matatag na buhay may-asawa. 

    ibahagi sa isa't-isa ang inyong mga pangarap, hinahangad, inaasahan at pinananabikan
  • gawing pangunahing prayoridad ang inyong relasyon sa Diyos, kasunod nito ay ang inyong buhay may-asawa, at pagkatapos ay ang inyong mga anak (kung mayroon kayo nito), at pagkatapos ay ang lahat ng iba pa

Apat na lugar na maaapektuhan ng inyong mga prayoridad:

1. Pagkakaibigan

  • huwag ninyong putulin ang ugnayan sa iba bilang mag-asawa; ang bawat buhay may-asawa ay kailangan ng grupong tutulong sa inyo
  • ingatan ang inyong buhay may-asawa laban sa anumang relasyon na maaaring maglagay dito sa panganib
  • maglagay ng mga hangganan upang ingatan ang iyong sarili mula sa peligro ng pangangalunya

2. Mga anak at ang buhay-pamilya

  • pag-usapan ang inyong mga inaasahan patungkol sa pagkakaroon ng mga anak
  • laging magkaroon ng oras sa isa't-isa kung at kapag may mga anak kayong may pangangailangan

3. Trabaho

  • huwag makipagpaligsahan sa isa't-isa
  • pag-usapan kung paano ninyong mababalanse ang trabaho at ang pag-aalaga sa mga anak

4. Espirituwal na aspeto

  • ang pagtuklas sa inyong pinakamahalagang pinaniniwalaan ay lalong maglalapit sa inyo (pag-isipang gawin ang Alpha upang tuklasin ang inyong pananampalatayang Cristiano at bigyan kayo ng lengguwahe upang mas madaling makapag-usap nang magkasama tungkol sa mga espirituwal na problema)
  • pag-usapan ang tungkol sa mga paniniwala at mga pinahahalagahang gusto ninyong ipasa sa inyong mga anak, kung at kapag mayroon na kayo nito 

Habang ang bawat isa sa atin ay nakatingin sa Diyos upang tumanggap at maranasan ang Kanyang pag-ibig, pagpapatawad at kung anong layunin Niya sa ating buhay, mas madali nating namamahal ang isa't-isa.

Mga nakikipagsapalaran at tagapag-alaga

Bagama't tayong lahat ay magkakaiba, kilalanin kung ang isa sa inyo ay may mas 'mapagsapalarang' pag-uugali at ang isa naman ay may mas 'mapag-alagang' pag-uugali, 

Mapagsapalaran

  • nagnanais na subukan ang lahat ng posibilidad na ibinibigay ng buhay. Ang pananaw nila tungkol sa buhay pag-aasawa ay isang magkasamang pakikipagsapalaran. Ang mga taong mahilig makipagsapalaran ang nagdadala ng sigla at mga bagong karanasan sa isang relasyon.

Mapag-alaga 

  • nakikita nila ang buhay may-asawa bilang isang ligtas na lugar na maaaring balikan pagkatapos ng anumang pakikipagsapalaran o mga hamong dala ng buhay. Ang mga mapag-alaga ang nagdadala ng katatagan at karaniwang palakad sa isang relasyon.

Ang pagiging mapagsapalaran at ang pagka-maalaga ay kapwa nagbibigay ng mahalagang ambag sa relasyon.

  • ang kakulangan sa pakikipagsapalaran ay maaaring gawing malamig ang isang relasyon
  • ang sobrang pakikipagsapalaran ay maaaring magdulot ng kabigatan

Bilang mag-asawa, ang inyong responsibilidad ay ang pahalagahan ang sigla ng pakikipagsapalaran at ang katiwasayan ng pagbabalik. 

Ang bawat buhay may-asawa ay kailangan ng sapat na lugar sa pakikipagsapalaran at pangangalaga rin. Kapag ang dalawang puwersang ito ay maayos na gumagawa sa inyong buhay may-asawa, ang inyong buhay may-asawa mismo ang nagiging isa sa magandang pakikipagsapalaran sa buhay ninyo. 

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Pre-Marriage Course

Hindi awtomatiko ang pagkakaroon ng matatag na buhay may-asawa. Umaasa kaming matutuklasan ninyo ang mga saloobin, pamantayan at mga ugaling kailangan upang makapagbuo ng isang malusog at matatag na buhay may-asawa na tatagal habambuhay. Ang 5-araw na gabay na ito ay halaw mula sa The Pre-Marriage Course na nilikha nina Nicky at Sila Lee, ang mga may-akda ng The Marriage Book.

More

Nais naming pasalamatan ang Alpha sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://themarriagecourse.org/try/the-pre-marriage-course