Ang Direksyon Bago ang PagpapakasalHalimbawa
Hidwaan
Inaasahang hidwaan
Ang hidwaan ay hindi maiiwasan sa bawat relasyon
Ang tanong ay hindi kung tayo ay hindi magkakasundo; ang tanong ay kung anong gagawin natin sa mga di-pagkakasundong iyon. Ang tunay na mahalaga para sa bawat mag-asawa ay ang magkaroon ng mga kagamitan at kasanayan upang magkaroon ng kalutasan ang hidwaan.
Pagkontrol sa galit
Ang galit ay hindi mali sa ganang sarii nito; ang paraan kung paano natin ipinapakita ang ating galit ang siyang maaaring makasama sa isang relasyon.
Makakatulong na maipaliwanag sa pamamagitan ng dalawang hayop ang dalawang di-angkop at di-nakakatulong na mga paraan ng pagkontrol sa ating galit.
- Raynosero: agad nilang ipinaaalam na galit sila -- umaatake agad
- Parkupino: itinatago nila ang galit nila -- malamang na magiging mas tahimik sila at lalayo
Ang raynosero at parkupino ay kailangang matutong ipahayag kung bakit sila nagagalit sa pamamagitan ng pagiging kalmado sa pagsasabi nito.
Paghahanap ng solusyon nang magkasama
Kapag may hindi kayo pinagkakasunduan:
- unawaing sa isang buhay may-asawa, kayo ay nasa iisang panig
- maghanap ng solusyon nang magkasama na makabubuti sa inyong relasyon
- maging handang pindutin ang 'sandaling huminto' kung kinakailangan (tanungin ang inyong mga sarili: 'Tamang panahon ba ito?' at 'Tamang lugar ba ito upang ilabas ang di-pagkakasundong ito?')
Limang hakbang upang makahanap ng solusyon
- Kilalanin at tumuon sa problemang nagiging dahilan ng hidwaan.
Kunin ang problemang nagiging dahilan ng hidwaan sa inyong dalawa. Ilagay ito sa harap ninyo at solusyunan ito nang magkasama. - Gumamit ng mga "Ako" na pangungusap
Iwasan ang pagbabansag (halimbawa: 'Lagi kang…' / 'Hindi ka…'). Ilarawan ang iyong nararamdaman (halimbawa: 'Naiinis ako dahil sa…'). - Pakinggan ang isa't-isa
Subukang unawain at pahalagahan ang pananaw ng bawat isa. Halinhinang magsalita. - Mag-isip ng mga posibleng solusyon
Pag-usapan ang iba't-ibang posibilidad. Maaaring makatulong kung gagawa ng listahan. - Piliin ang pinakamagandang solusyon ngayon at suriing muli kalaunan
Kung ang solusyong inyong sinubukan ay hindi gumana, sumubok ng isa pa mula sa inyong inilista. Kung hindi kayo makakita ng solusyon, humingi ng tulong.
Proseso ng paggamot sa sakit
Ang sakit sa bawat buhay may-asawa ay hindi maiiwasan, at ang sakit na ito ay kailangang pagalingin kung nais nating yumabong ang ating relasyon.
May isang simple ngunit makapangyarihang proseso sa pagpapagaling:
- Pag-usapan ang sakit
Sabihin sa asawa mo kapag sumama ang loob mo sa kanya. Huwag mong kimkimin ang sakit o hayaang kaawaan ang sarili at mabuo ang hinanakit sa loob mo. - Humingi ng tawad
Ang ating pagpapahalaga sa sarili ay maaaring maging dahilan upang mahirapan tayong humingi ng tawad. Ang paghingi ng paumanhin ay nangangahulugang inaako natin ang responsibilidad para sa ating mga maling salita o pagkilos. Ang paghingi ng tawad ay nagbubukas ng daan para sa pagkakasundo. - Magpatawad
Ang pagpapatawad ang pinakamalakas na puwersa para malunasan ang buhay may-asawa.
Ang kapatawaran ay HINDI:
- paglimot sa sakit na nangyari
- pagkukunwaring hindi ito mahalaga
- hindi pagharap sa kamalian at nakakasakit na pagkilos ng ating asawa
Ang pagpapatawad AY:
- pagharap sa kamaliang ginawa sa atin
- pagkilala sa mga damdaming nasa loob
- pagpiling huwag panghawakan ang pagkakasala ng asawa laban sa kanya
- pagbitiw sa ating pagkaawa sa sarili at sa pagnanais na maghiganti
Una sa lahat, ang pagpapatawad ay isang pagpili, hindi ito damdamin.
- ang pagpapatawad ay isang proseso -- madalas ay kailangan nating piliing magpatawad ( kung minsan ay araw-araw pa). Kapag ginagawa natin ito, unti-unti, ang mga alala ng kirot ay humihina nang humihina ang kapangyarihan sa atin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi awtomatiko ang pagkakaroon ng matatag na buhay may-asawa. Umaasa kaming matutuklasan ninyo ang mga saloobin, pamantayan at mga ugaling kailangan upang makapagbuo ng isang malusog at matatag na buhay may-asawa na tatagal habambuhay. Ang 5-araw na gabay na ito ay halaw mula sa The Pre-Marriage Course na nilikha nina Nicky at Sila Lee, ang mga may-akda ng The Marriage Book.
More