Ang Direksyon Bago ang PagpapakasalHalimbawa
Pangako
Ang paggawa ng pangako ay bumubuo ng tiwala sa atin, nagiging madali ang pag-abot natin sa isa't-isa at nagkakalakas tayo ng loob na sabihin sa isa't-isa ang ating mga pinakamalalim na iniisip at mga damdamin; ang pangako ay nagbibigay sa atin ng permisong iplano ang ating hinaharap nang magkasama; hinahayaan nitong subukan natin ang mga bagay, na magkamali, na magpatawad, na magkaroon ng lakas ng loob na ilahad ang mga problemang kailangang pag-usapan -- ang pangako ang "diwa ng pag-aasawa", ang pinag-uugatan nito.
Dalawang bunga ng pangako:
- Pagkakaibigan
Ang pangako sa pag-aasawa ang siyang sumasagot sa ating pagnanais para sa isang malalim na pakikipag-ugnayan, para sa kalapitang emosyonal at pisikal. Ang pag-aasawa ay hindi lang ang tanging paraan upang malabanan ang pag-iisa, ngunit ito ang pinakamalapit na pagsasama ng mga tao na posible. - Buhay-pamilya
Ang nakatuong pagmamahal ng mag-asawa ay nangangahulugang lumalaki ang mga anak na nakikita nang malapitan ang isang magandang halimbawa ng isang malapit, nakatuon, at pangmatagalang relasyon. Isa sa pinakamabuting paraan kung paanong mamahalin ng mga magulang ang kanilang mga anak ay sa pamamagitan ng pagmamahal sa isa't-isa. Ang isang matatag na buhay may-asawa ang siyang maaaring makasira sa siklo ng bigong relasyon sa isang pamilya.
Gumawa ng pantay na pagsasamahan sa inyong mag-asawa
Kailangan ayusin ng mag-asawa ang mga ito:
- sino ang gagawa ng ano
- sino ang magpapasya sa anong bagay
- sino ang mangunguna sa mga bagay na kailangang gawin
Pag-usapan ang inyong mga inaasahang gagawa ng anong bagay sa inyong pagsasama at kung paano ito maaaring maging iba sa iyong mga karanasan sa pinagmulan mong pamilya.
Magpasakop sa isa't-isa (Mga Taga-Efeso 5:21)
Ang huwaran sa pagpapasakop sa isa't-isa na makikita sa Bagong Tipan
- Binigyan nito ang mga Cristiano ng isang radikal at bagong pamamaraan ng pagsasama
- nangangailangan ito ng pagbibigayan sa isa't-isa
- pinahihina nito ang pangingibabaw at pagkokontrol ng mga lalaki
Dinadala tayo ng katuruang Cristiano sa relasyong pag-aasawa na may pantay na pagkakatuwang na nagbibigay sa isa't-isa.
Ang 'pagpapasakop' ay hindi nangangahulugang pagsasawalang--kibo
- ang pagpapasakop ay kabaligtaran ng paghingi at ng pagdodomina
Pagplanuhan kung anong responsibilidad ang naaangkop nang lubos para gawin ng bawat isa
- gamitin ang pagkakaiba ninyo upang paglingkuran ang bawat isa
- sa ilang bahagi ng inyong pinagsamang buhay, manguna at magsimula
- sa ibang bahagi, suportahan ang iyong asawa
Ang pagmamahal na tulad nito ay masigla at nangangahulugan ng paggawa ng mga sakripisyo para sa kapakanan ng iyong kapareha
Ang pagpapasakop sa isa't-isa ang susi sa isang mapagmahal na buhay may-asawa.
Ang kasunduan sa pag-aasawa
Ang kasunduan na ginagawa natin kapag tayo ay nagpakasal ay isang desisyon na ibigay ang ating sarili nang buung-buo sa isa't-isa sa pag-ibig, at sa gayon ay isang desisyong pinagtitibay natin sa araw-araw ng ating buhay may-asawa.
Ang kasunduan sa pag-aasawa ang humahawak sa bawat mag-asawa kapag dumadaan sila sa mahihirap na panahon, na siya namang pinagdaraanan ng bawat mag-asawa.
Ang mga pangakong ginagawa natin na nagtatatag ng ating buhay may-asawa ang nagdadala ng malalim na seguridad at nagbibigay sa atin ng isang ligtas na lugar kung saan maaari tayong maging bukas at madaling abutin ng isa't-isa
- binibigyan tayo nito ng lakas ng loob na hayaang makilala tayo ng ating asawa sa kung sino tayo (kasama na rito ang pagsisiwalat ng mga bahaging ipinagkatago-tago natin) at bumubuo ng kalapitan sa isa't-isa
- ang mga pangako ay tumutuon hindi sa kung anong magagawa ng ating kapareha para sa atin kundi sa kung anong magagawa natin para sa kanila
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi awtomatiko ang pagkakaroon ng matatag na buhay may-asawa. Umaasa kaming matutuklasan ninyo ang mga saloobin, pamantayan at mga ugaling kailangan upang makapagbuo ng isang malusog at matatag na buhay may-asawa na tatagal habambuhay. Ang 5-araw na gabay na ito ay halaw mula sa The Pre-Marriage Course na nilikha nina Nicky at Sila Lee, ang mga may-akda ng The Marriage Book.
More