Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Direksyon Bago ang PagpapakasalHalimbawa

The Pre-Marriage Course

ARAW 1 NG 5

Komunikasyon

Ang mahusay na komunikasyon ay isang napakahalagang bahagi ng isang matagumpay na buhay may-asawa. Kapag tayo ay may-asawa na ay doon lamang natin napapagtanto ang ilan sa ating mga lubos na pinaniniwalaang kaisipan tungkol sa buhay ay hindi pinaniniwalaan ng pangkalahatan.

Tayong lahat ay magkakaiba sa paraan ng ating pakikipag-ugnayan, at ito ay naaapektuhan ng:

  • ating personalidad
  • ating kinalakhang pamilya

1. Ang ating personalidad

Palakaibigan
Ang isa sa atin ay maaaring ang proseso ng pag-iisip ay papalabas. Sa madaling salita, sinasabi natin agad kung anong ating iniisip.

Tahimik
Ang ating kapareha ay maaaring inaayos muna ang kanilang mga saloobin sa kanilang isipan bago sila magsalita.

Mapanuri
Ang isa sa atin ay maaaring inaayos muna ang mga bagay nang may sistema at maaaring matagalan bago gumawa ng desisyon.

Likas na nakakaunawa
Ang asawa natin ay maaaring madalas na kumikilos ayon sa kutob at kung minsan ay padalus-dalos sa paggawa ng konklusyon.

Ang pag-uusap nang tapat patungkol sa mga magkakaibang personalidad na ito at ang pagtanggap dito ay mahalaga upang magkaroon ng matatag na buhay may-asawa.

2. Ang ating kinalakhang pamilya

Ang ibang pamilya ay tahimik, ang iba naman ay maingay. Ang ibang pamilya ay mabilis sumabog, ang iba naman ay kalmado lang. Ang ibang pamilya ay naghahalinhinang magsalita, ang iba naman ay madalas na sumasabat.

Kailangan nating kilalanin ang mga pangkaraniwang paraan ng pakikipag-usap sa bawat pamilya natin, lalo na kung ang isa sa atin ay nanggaling sa pamilya kung saan agad-agad nilang inilalabas ang kanilang mga pagkakaiba habang ang pamilya naman ng ating asawa ay ipinagpapaliban o iniiwasan ang pag-uusap tungkol sa mga magkakaibang pananaw.

Mga hadlang sa mabuting komunikasyon

1. Hindi pagbibigay ng oras

Maglaan ng oras para sa makabuluhang pag-uusap nang palagian.

  • iplano ang panahong ito sa inyong mga kalendaryo (hindi ito basta na lang nangyayari}
  • ingatan ang panahong ito mula sa mga maaaring gumambala at umantala, lalo na ang mga telepono at iba pang bagay.

Alamin kung kailan kailangang bitawan ang lahat at makinig sa iyong asawa.

2. Hindi pagsasabi ng ating mga nararamdaman

Kailangang matutunan ng ibang taong sabihin kung anong nararamdaman nila dahil maaaring wala silang naging huwaran nito habang sila ay lumalaki

  • maaaring maging mahirap sa iyong sabihin ang mga nararamdaman mo dahil pakiramdam mo ay wala kang kakayahan o mahina ka, o may takot ka sa kung paanong tutugon ang ibang tao sa iyo.
  • pagtiwalaan ang iyong asawa patungkol sa iyong nararamdaman. 
  • Kung ang iyong asawa ay nahihirapang ipahayag ang kanyang nadarama, siguraduhing makikinig ka nang walang paghatol o pamumuna.

Ang pagbabahagi ng ating mga saloobin at damdamin ay mahalaga para sa pagbubuo ng isang matatag na buhay may-asawa.

3. Kabiguang makinig sa isa't-isa

Ang pakikinig ay napakahalaga para sa pagbubuo ng isang pundasyon ng pagkakaunawaan at pagkakalapit sa isang pag-aasawa.

Ang hindi ka mapakinggan ay lubhang nakakasira sa isang relasyon. Samantala, kapag may nakikinig sa atin, nararamdaman natin na:

  • nauunawaan tayo
  • pinahahalagahan tayo
  • sinusuportahan tayo
  • minamahal tayo

Marami sa atin ay may mga ugaling hindi maganda pagdating sa pakikinig, tulad ng:

  • paghulagpos ng isipan kapag kinakausap tayo ng asawa natin
  • paggawa ng sariling kuwento na wala sa pinag-uusapan
  • pagbibigay ng ating payo agad-agad sa halip na unawain muna ang damdamin ng asawa
  • pagwawalang-halaga sa kanilang mga takot o pagsasabi ng mga negatibong damdamin sa patuloy na pagsasabing ang lahat ay magiging maayos
  • paggambala sa ating asawa sa pamamagitan ng ating sariling pananaw o pagsusundo ng kanilang pangungusap para sa kanila

Paano makinig

Kailangan ng tiyaga upang matutunan ang mabisang pakikinig. Ang mabisang pakikinig ay nangangahulugan ng:

  • pagpapahintulot sa ating asawa na tapusin kung anong gusto nilang sabihin
  • pagsasaisantabi sa ating mga sariling layunin at subukang makita ang mundo sa pamamagitan ng mga mata ng iyong asawa
  • subukang unawain sila kapag iba ang kanilang iniisip o nararamdaman 
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Pre-Marriage Course

Hindi awtomatiko ang pagkakaroon ng matatag na buhay may-asawa. Umaasa kaming matutuklasan ninyo ang mga saloobin, pamantayan at mga ugaling kailangan upang makapagbuo ng isang malusog at matatag na buhay may-asawa na tatagal habambuhay. Ang 5-araw na gabay na ito ay halaw mula sa The Pre-Marriage Course na nilikha nina Nicky at Sila Lee, ang mga may-akda ng The Marriage Book.

More

Nais naming pasalamatan ang Alpha sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://themarriagecourse.org/try/the-pre-marriage-course