Manalanging May Pagkamangha sa PaskoHalimbawa
Tayo'y manalangin:
Aming Ama sa langit, aming inaalala na kami ay dating napahiwalay kay Cristo, tila mga dayuhan sa bayan ng Diyos at estranghero sa Inyong mga tipan, mga walang pag-asa at wala sa Inyo sa mundong ito.
Ngunit ngayon, O Diyos, kay Cristo Jesus, kami na dati-rati'y malayo, tulad ng mga mago, ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.
Ang Pasko ay isang pagpaparangal sa Inyong biyaya, hindi sa aming pagiging karapat-dapat. Ang Adbiyento ay nagpapahiwatig ng Inyong pagdating sa katauhan ni Cristo upang alisin kami sa aming kasalanan, at sa sandali lamang na iyon, kami'y makakalapit kay Cristo upang lumuhod sa pagsamba.
Siya ay pumarito hindi upang tawaging ang matuwid ngunit ang mga makasalanan. Pag-aari namin ang aming rebelyon at ang maraming kabiguan, at may kagalakang yumuyuko sa harap ng Inyong Bugtong na Anak..
Sa Ngalan Niya kami ay nananalangin. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang kuwento ng Pasko ay sunud-sunod na sorpresa. Ngunit minsan, ang mga detalye ay nagiging pangkaraniwan na kaya't nawawalan na ng saysay. Ang maiikling pampanalanging debosyonal na ito ay tutulong sa iyo na manatiling malalim sa mga di inaasahan at mahalagang kaganapan sa kasaysayan: na ang Diyos mismo ay naging isa sa atin. Bawat panalangin ay iniakda ni David Mathis, ang ehekutibong patnugot ng desiringGod.org at pastor ng Cities Church sa Saint Paul, Minnesota.
More