Manalanging May Pagkamangha sa PaskoHalimbawa
Tayo'y manalangin:
Aming Ama, Ikaw ay nagpapapakumbaba sa mga mapagmataas at nagpapataas sa mga mapagpakumbaba, at kami ay namamangha.
Aming kinikilala na ang aming mga damdaming marupok, hapung-hapo, at nabibigatan ngayong Pasko ay nangangahulugang kami ay nasa lugar kung saan Ninyo nais para sa amin.
Ipinadala po Ninyo ang Inyong Anak upang tulungan ang mahihina at pagod. Buksan po ang aming mga mata sa mga kahinaan na pilit naming ipinagsasawalang-bahala at ikinukubli.
Sa Inyong Anak, ang mga ito ay ligtas naming maaako, at mapakumbabang lumapit sa Inyo, upang magalak sa Inyo at sa Inyong malalakas na bisig, hindi sa amin.
Dakilain Ninyo ang Inyong sarili sa amin sa panahong ito sa pamamagitan ng aming pagkagalak sa Inyo at sa Inyong Anak.
Sa ngalan Niya kami ay nananalangin. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang kuwento ng Pasko ay sunud-sunod na sorpresa. Ngunit minsan, ang mga detalye ay nagiging pangkaraniwan na kaya't nawawalan na ng saysay. Ang maiikling pampanalanging debosyonal na ito ay tutulong sa iyo na manatiling malalim sa mga di inaasahan at mahalagang kaganapan sa kasaysayan: na ang Diyos mismo ay naging isa sa atin. Bawat panalangin ay iniakda ni David Mathis, ang ehekutibong patnugot ng desiringGod.org at pastor ng Cities Church sa Saint Paul, Minnesota.
More