Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Manalanging May Pagkamangha sa PaskoHalimbawa

Praying With Wonder Through Christmas

ARAW 4 NG 7

Tayo'y manalangin:

 

Ama, kami ay namamangha sa namumukod-tanging persona ng Inyong bugtong na Anak.

Siya ay lubusang banal, na walang hanggang nalulugod sa Inyo, mula sa walang hanggan, gayunpaman ay kinuha ang ating pagka-tao at isinailalim ang Kanyang sarili sa mga sakit at pagdurusa ng ating makasalanang mundo upang tayo ay iligtas.

Ang pagmamahal Ninyo para sa amin sa pamamagitan ni Cristo ay higit pa sa kaya naming malaman ngunit nais namin na ito ay mas makilala pa. At ang nalalaman namin ay dahilan ng amin dakilang pagsamba.

Aming sinasamba ang Inyong Anak, mahal na Ama, at hinahangad naming makilala at matamasa Siya nang higit pa, at lalo na ngayong panahon ng Adbiyento.

 

Sa Ngalan ni Jesus kami ay nananalangin. Amen.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Praying With Wonder Through Christmas

Ang kuwento ng Pasko ay sunud-sunod na sorpresa. Ngunit minsan, ang mga detalye ay nagiging pangkaraniwan na kaya't nawawalan na ng saysay. Ang maiikling pampanalanging debosyonal na ito ay tutulong sa iyo na manatiling malalim sa mga di inaasahan at mahalagang kaganapan sa kasaysayan: na ang Diyos mismo ay naging isa sa atin. Bawat panalangin ay iniakda ni David Mathis, ang ehekutibong patnugot ng desiringGod.org at pastor ng Cities Church sa Saint Paul, Minnesota.

More

Nais naming pasalamatan ang The Good Book sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.thegoodbook.com/the-christmas-we-didnt-expect