Manalanging May Pagkamangha sa PaskoHalimbawa
Tayo'y Manalangin:
Ama namin sa langit, kami ay humihiling na ngayong Adbiyento ay mariing itatak Ninyo sa aming mga kalooban ang kahulugan ng pagdating ng Inyong Anak.
Si Jesus ay hindi dumating upang magbigay ng kalibangan. Hindi Siya gumawa ng isang dakilang istorya lamang.
Pumarito Siya upang panumbalikin tayong mga rebelde sa ating Diyos. Ang Adbiyento ay personal.
Palapitin kami sa mga araw na ito sa puso ni Cristo, na Inyong puso mismo, at gawin ang Kanyang unang adbiyento, at ang katotohanan at kabuluhan nito, na mas maging totoo sa aming mga buhay.
Sa Ngalan ni Jesus kami ay nananalangin. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang kuwento ng Pasko ay sunud-sunod na sorpresa. Ngunit minsan, ang mga detalye ay nagiging pangkaraniwan na kaya't nawawalan na ng saysay. Ang maiikling pampanalanging debosyonal na ito ay tutulong sa iyo na manatiling malalim sa mga di inaasahan at mahalagang kaganapan sa kasaysayan: na ang Diyos mismo ay naging isa sa atin. Bawat panalangin ay iniakda ni David Mathis, ang ehekutibong patnugot ng desiringGod.org at pastor ng Cities Church sa Saint Paul, Minnesota.
More