Binagong Pamumuhay: PaglalaanHalimbawa
Bukas-palad na Pagbabahagi
Isang Debosyonal na Kasama si Crystal
Kapag naramdaman nating kaya natin ang lahat ng bagay, madali tayong tumuon sa loob at makaligtaan ang mga pangangailangan sa ating paligid. Minsan kailangan nating maranasan ang isang malaking pangangailangan sa ating sariling buhay upang makatagpo ang Diyos sa isang bagong paraan.
Sa buong buhay ko hanggang sa aking diborsiyo, sa totoo lang ay hindi ako nakaranas ng anumang pisikal na pangangailangan na hindi natugunan. Hindi ko nabigyang-pansin na ang mga bayarin ay palaging nababayaran at ang pagkain ay laging nariyan lang. Hindi na ako nagdadalawang isip kung saan ako kukuha ng mga damit, gamit sa paaralan, o anumang kailangan namin.
Pagkatapos ng halos 10 taong pagiging mag-asawa, na may dalawang maliliit na anak at isang paparating pa lang, ang aking asawa ay umalis at lumipat sa isang lugar na halos dalawang oras ang layo. Bigla akong naging solong ina na kumikita ng kaunti at nakakatanggap ng kaunting suporta mula sa kanilang ama. Naramdaman ko ang hirap ng pagkakaroon ng pangangailangan dahil hindi sapat ang kinikita ko para sa mga pangunahing bagay na kailangan namin para mabuhay. Kaya, ako ay umiyak sa Diyos at binuksan ang kalagayan ko sa aking pamilya sa iglesya.
Ang nakakamangha, habang nararanasan ko ang kahirapan, naranasan ko rin ang pagkabukas-palad. Dumagsa ang tulong habang ang ibang mga mananampalataya ay nagbigay ng kanilang oras, kanilang pera, at kanilang mga mapagkukunan upang suportahan ang aking maliit na pamilya. Nabigla ako sa pagmamahal nila sa amin, at natatandaan kong sinabi ko sa sarili ko na balang araw, kahit papaano ay gusto kong gawin iyon para sa iba.
Pagkaraan ng ilang taon, ginawa ko ang aking unang hakbang tungo sa pamumuhay nang may pagkabukas-palad nang simulan kong ibalik ang unang ikasampu ng aking kita sa Diyos sa pamamagitan ng ikapu, at pagkatapos ay sinimulan kong ibigay ang aking oras sa pamamagitan ng paglilingkod sa simbahan. Nagbigay ako sa kaunting mayroon ako dahil naranasan ko nang personal ang kapangyarihan ng pagkabukas-palad.
Ngayon, makalipas ang 10 taon, mag-isa pa rin ako pero iba na ang aking buhay. Natuto akong pangalagaan kung ano ang mayroon ako at mamuhay ayon sa aking kinikita. Nakabili pa ako ng sarili kong bahay sa aking kinikita habang inuuna ko ang pagtulong sa iba.
Gustung-gusto ko na narinig ako ng Diyos noong araw na iyon nang sabihin kong gusto kong ‘ipasa’ ang kabutihang-loob na naranasan ko bilang isang bagong solong ina—pagod, nagdadalamhati, at hindi kayang tustusan ang kanyang pamilya. Isang kapakumbabaan na nagawa kong makilahok sa pagbibigay para sa iba pang mga kababaihan sa parehong paraan nang paulit-ulit.
Marahil ikaw ay katulad ko at ang iyong mga kalagayan ay mahirap at kakaunti ang mga mapagkukunan mo. Siguro ang pagiging bukas-palad ay nakakatakot at mahirap. Nauunawaan ko. Magsimula ka sa maliit at tandaan na ang bawat mahusay na paglalakbay ay nangangailangan ng unang matapang na hakbang. Nakikita ka ng Diyos at gusto ka Niyang turuang magtiwala sa Kanya, gaano man karami o kaunti ang mayroon ka.
Dalangin naman na ang gabay na ito ay nakapagpalago ng iyong pananampalataya sa mapagkaloob na kapangyarihan ng Diyos at nakapagpalakas ng loob mo para gawin ang sunod na hakbang tungo sa pagtitiwala sa Diyos pagdating sa iyong pananalapi.
Dalangin namin na nagamit ng Diyos ang gabay na ito upang makatulong sa iyo.
Tuklasin ang Iba pang mga Binagong Pamumuhay na Gabay sa Biblia
Tungkol sa Gabay na ito
Naglilingkod tayo sa isang mapagbigay na Diyos na nangangakong magbibigay ng bawat pangangailangan natin. Bagama't hindi Niya ibinibigay ang mga kahilingan, gumagawa pa rin Siya ng mga himala. Nasisiyahan ang Diyos na bigyan tayo ng mga regalo dahil lubos ang Kanyang pagkalinga sa atin, hanggang sa kaliit-liitang detalye. Ang 5-araw na gabay na ito ay gagalugarin ang mga kuwento ng paglalaan ng Diyos, magpapatatag ng iyong pananampalataya, at hihikayatin kang unahin ang Diyos sa iyong pananalapi.
More