Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Binagong Pamumuhay: PaglalaanHalimbawa

Living Changed: Provision

ARAW 4 NG 5

Mga Pagpapala sa Pamamagitan ng Pagsuko 

Isang Debosyonal Kasama si Harmony

Marami sa atin ang nahihirapang pakawalan ang pamamahala. Naniniwala tayong kung ang lahat ay magiging eksakto sa ating plano, tayo ay mabubuhay sa ating pinakamahusay na buhay. Ang nakakatawa ay kapag isinuko natin ang pamamahala sa Diyos, makukuha natin ang Kanyang pinakamaganda para sa atin, na mas mabuti kaysa sa sarili nating mga plano.

Hindi pa katagalan nang nakaupo ako sa silid-hintayan ng ospital habang inaalis ng mga doktor ang pangalawang tumor sa utak ng aking asawa sa loob lamang ng wala pang tatlong linggo. Habang hinihintay ko ang ulat ng neurosurgeon, humingi sa akin ang mga kaibigan ko ng isang listahan ng mga bagay na maaari nilang gawin upang matulungan ang aking pamilya sa panahong iyon ng kagipitan. 

Unang-una sa aking listahan ay ang pagbebenta ng aming lumang van. Ito ay nasira at nasa harap lamang ng aming tahanan sa nakalipas na ilang buwan. Ang hinala namin ay kailangan nito ng bagong transmission, ngunit wala kaming panahong asikasuhin ito. Sa loob ng ilang araw, ang van ay nailipat at nabawasan ang aming pasanin. 

Isang pamilya ang nag-ayos para iparada ang van sa isang lugar na may mataas na trapiko, may pangalawang pamilya ang humila doon, at ang pangatlong pamilya ay nagdagdag ng kanilang numero ng telepono sa karatulang "For Sale". Sa pagtutulungan ng mga pamilyang ito, mabilis na naisaayos ang mga bagay-bagay, at may tumawag kaagad upang magtanong tungkol sa pagbili ng van. 

Samantala, nakasalubong ko ang isang kakilala at tinanong niya ang tungkol sa aking bagong van na nakaparada sa labas. Ito ang parehong gawa at modelo ng isang van na hinahanap niyang bilhin at gusto niyang malaman kung kumusta naman ito. Sinabi ko sa kanya na gustung-gusto ko ito kaya nang masira ang aking lumang van, binili ko muli ang parehong gawa at modelo! 

Sinabi niya sa akin kung paanong ipinagdarasal niya ang isang napaka-espesipikong van, isang van na burgundy na sa loob ay kulay beige. Kamakailan lamang, nagmamaneho siya sa isang kalsada na hindi niya karaniwang dinadaanan at nakakita ng isang burgundy na van na ibinebenta. Tinawagan niya ang numero at sinabihan siya ng isang malungkot na kuwento tungkol sa kung paano kailangang ibenta ng pamilya ang van at kung paano nilalabanan ng asawa ang kanser sa utak... Nagtama ang mga mata namin, at napagtanto niyang ito ay aking pamilya at aking van! Sa katuwaan niya sa nalaman niyang ito, tinanong niya ako sa kulay ng loob ng van. Beige. 

Pinagkalooban kami ng Diyos sa isang natatanging pagsasaayos ng mga bagay at sa hindi inaasahang paraan. Sa lahat ng gumagalaw na bahagi at mga taong nasasangkot, ang landas patungo sa Kanyang probisyon ay napakasalimuot na hindi ko mahuhulaan ang daan o maiaayos ang resultang iyon. 

Kapag walang awa ang paghampas sa iyo ng buhay at ikaw ay nalulula sa iyong kalagayan, hinihikayat kita na itulak ang takot at bigyan ng kontrol ang Diyos. Kapag isinuko mo ang lahat sa Kanya, binibigyan mo ng espasyo ang Diyos para gumawa. Maniwala ka sa akin, ang Kanyang plano para sa iyo ay mas mahusay kaysa sa iyong naiisip, naitatanong, o naguguni-guni man. Siya ang Daan, at ang Kanyang landas ay kapayapaan at kasaganaan.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: Provision

Naglilingkod tayo sa isang mapagbigay na Diyos na nangangakong magbibigay ng bawat pangangailangan natin. Bagama't hindi Niya ibinibigay ang mga kahilingan, gumagawa pa rin Siya ng mga himala. Nasisiyahan ang Diyos na bigyan tayo ng mga regalo dahil lubos ang Kanyang pagkalinga sa atin, hanggang sa kaliit-liitang detalye. Ang 5-araw na gabay na ito ay gagalugarin ang mga kuwento ng paglalaan ng Diyos, magpapatatag ng iyong pananampalataya, at hihikayatin kang unahin ang Diyos sa iyong pananalapi.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://www.changedokc.com