Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Binagong Pamumuhay: PaglalaanHalimbawa

Living Changed: Provision

ARAW 3 NG 5

Kailangan Natin ang Isa't-isa

Isang Debosyonal Kasama si Amber

Isa sa mga paborito kong bagay patungkol sa Panginoon ay kung paano Niya ginagamit ang mga ordinaryong tao upang maisakatuparan ang mga dakila Niyang plano. Kaya Niyang ibigay ang ating mga pangangailangan nang biglaan, ngunit mas pinipili Niyang gamitin ang mga taong may kakulangan upang pagpalain tayo. Sa tuwing maaalala ko ang mga sandali ng aking buhay, naaalala ko na tayo ay ginawa ng Diyos upang mabuhay sa isang komunidad kasama ang ibang mananampalataya. Natagpuan ko na ang panatilihin si Jesus sa sentro ng aking pakikipagkaibigan ay nagbibigay sa Kanya ng paraan upang makapagbigay at nagpapahintulot sa aking maging pagpapala sa iba habang lumalago ang aking pananampalataya. 

Mga Ilang taon na ang nakalipas, ang aking pamilya na may limang miyembro ay umuupa ng isang bahay. Nagsisimula pa lamang kami na regular magbigay nang ikapu, kami'y naglilingkod sa simbahan, at ginagawa namin sa abot ng aming makakaya na magbigay at tumulong sa iba. Nais namin magkaroon ng sariling bahay, ngunit ang pangarap na iyon at parang malayo pa ng ilang taon bago matupad. Sa tuwing kami ay makakapag-ipon ng pera, tila may isang biglaang pangangailangan ang sisimot sa aming mga naipon. Hanggang ang inuupahan naming bahay ay nasunog.

Ligtas naman ang lahat, ngunit sa isang iglap, wala na kaming bubong na masisilungan. Purihin ang Diyos at nakatanggap kami ng perang seguridad para sa mga nangungupahan, ngunit ang mga nawala sa amin ay higit pa sa mga natanggap namin. At doon dumating ang aming komunidad at ipinakita nila ang pagmamahal ni Jesus. 

May isang mula sa aming maliit na grupo na nagdala ng palamigan na puno ng mga palamig na inumin upang makaraos kami sa unang araw. May isa pang kaibigan ang nagdala sa amin upang makapaghapunan at pinalitan nila ang mga paboritong mga gamit ng aming mga anak—ang kanilang mga unan na laruang hayop. Ang mga kaibigan ng mga kaibigan, mga taong hindi namin kilala, ang dumating sa kainitan sa tanghali ng tag-araw upang tulungan kaming sinupin at itabi kung ano ang mga natirang gamit sa aming bahay. Nakatanggap kami ng maraming donasyong gamit mula sa iba pang pamilya sa simbahan gaya ng mga kasangkapan sa bahay. Namangha kami sa pagkabukas-palad ng lahat at tunay na naramdaman ang pagkilos ng Diyos sa pagkakaloob ng mga bagay na wala kami at mga bagay na kailangan pa namin. Ang Kanyang masaganang biyaya ay nagbigay-daan upang ang perang seguridad na aming natanggap ay maaari naming magamit na paunang hulog sa bagong bahay.

Sa gitna ng trahedya, gumawa ng himala ang Panginoon. Hindi lamang Niya pinalitan ang mga nawala sa amin, kundi mabilis Niya kaming pinagkalooban ng sarili naming tahanan. Hindi namin nahulaan na gagamitin ng Panginoon ang nasunog na bahay na iyon para sa kabutihan. Ngunit ginawa Niya, at ginamit Niya ang Kanyang mga anak para maganap iyon. 

Kung ikaw ay nahihirapan sa iyong mga pangangailangang pinansiyal, hinihimok kitang palibutan ang iyong sarili ng komunidad ng mga mananampalataya kung saan kayo ay magtutulungan at magpapalakasan sa oras ng kahirapan at tutulong sa iyo upang lumakas ang iyong pananampalataya. Ang Panginoon ay mahilig magkaloob sa atin ng regalo, at ang isa sa pinakamagandang regalo na ibinigay Niya sa atin ay ang isat-isa. Kapag tayo'y nanghihina at napapagod, ang mga kaibigan natin ang dadating upang maging kamay at paa ni Jesus. Kaya't huwag mong palampasin ang napakadakilang daan para sa paglalaan ng Panginoon.

Sa naging resulta ng sunog, kami ay labis na nagpakumbaba sa pagbuhos ng pagmamahal na naramdaman namin mula sa mga taong hindi namin kilala. Ang katawan ni Cristo, ang Kanyang simbahan, ang Kanyang mga anak ay dumating para sa amin. Ang tanging tugon na aming naisip ay ibalik sa iba ang kabutihan. Kami ay bumuo ng maliit na grupo sa aming bagong bahay upang makapagbigay ng parehong komunidad na aming natagpuan. Binigyan namin ng prayoridad ang magbigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang nangangailangan. 

Habang isang kaginhawaan ang tumanggap ng kabutihan sa iyong oras ng pangangailangan, higit na mabuti ang ikaw ang nagbibigay sa iba. Hindi mo kailangan markahan ang aking sinabi, magtiwala ka lang sa Panginoon. Hilingin mo sa Kanya na buksan ang iyong mga mata sa mga oportunidad upang maging mapagbigay at makikita mo kung hindi ka Niya pagpalain sa pagbibigay mo sa iba.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: Provision

Naglilingkod tayo sa isang mapagbigay na Diyos na nangangakong magbibigay ng bawat pangangailangan natin. Bagama't hindi Niya ibinibigay ang mga kahilingan, gumagawa pa rin Siya ng mga himala. Nasisiyahan ang Diyos na bigyan tayo ng mga regalo dahil lubos ang Kanyang pagkalinga sa atin, hanggang sa kaliit-liitang detalye. Ang 5-araw na gabay na ito ay gagalugarin ang mga kuwento ng paglalaan ng Diyos, magpapatatag ng iyong pananampalataya, at hihikayatin kang unahin ang Diyos sa iyong pananalapi.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://www.changedokc.com