Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga EmosyonHalimbawa

Emotions

ARAW 6 NG 7

Minodelo ni Jesus ang Pagpapatawad 

Ang pagpapatawad mismo ay hindi isang damdamin; ito'y isang pasya. Ngunit ang pagpapatawad—o hindi pagpapatawad—ay maaring pumukaw ng maraming damdamin. Isipin ang huling pagkakataong ikaw ay pinatawad. Anong mga emosyon ang naramdaman mo? Marahil kaginhawahan, pasasalamat at kagalakan. Eh noong huli kang magpatawad ng iba? Maaaring kapayapaan, pagka-mapagbigay-loob, at habag. 

Ang pagpapatawad ay maaaring maging susi sa pagpapabuti ng napakaraming mga relasyon. Ngunit kinakailangang bitawan natin ang masasakit nating damdamin upang sa halip ay matamo ang paghihilom. Hindi ibig sabihin nitong hindi na tayo maaaring makaramdam ng sakit dahil sa ginawa ng iba. Bagkus ang ibig sabihin nito ay pipiliin nating isuko ang karapatang ipaglabang tayo ay nasa tama upang maitama ang relasyon. 

Ang konseptong ito ng pagpapatawad ay isang ipinagbubuno ng mga tao nang matagal na. Sa katunayan, naitanong ni Pedro ang isang katanungan patungkol sa pagpapatawad na madaling maunawaan ng marami sa atin. Tinanong niya ang: 

… “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Matteo 18:21 RTPV05 

Natutukso tayo, tulad ni Pedro, na lagyan ng mga tuntunin ang ating mga relasyon. Gusto natin ng daang palabas kapag hindi na tayo komportable. Ngunit walang limitasyon ang pagpapatawad. Ito ang ginawa ni Jesus: 

“Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.” Mateo 18:22 RTPV05 

At nagkuwento si Jesus patungkol sa isang haring kinokolekta ang mga pagkakautang ng kanyang mga alipin. Ang isang nanghiram ay may utang na milyon-milyong dolyares. Hindi ito makapagbayad, kaya't nilayon ng haring ipagbili siya at ang kanyang pamilya upang mabayaran ang utang nito. Nagmakaawa siyang kahabagan, at ipinagkaloob ito ng hari sa kanya. Maya-maya, ang lalaking pinatawad ay tumangging magpatawad ng ibang may utang na salapi sa kanya. Nalaman ng hari ito, at inutos na ipabilanggo siya muli hangga't mabayaran nito ang pagkakautang. 

Gaano kadalas tayong natutuksong umasta nang tulad ng lalaki sa kuwento? Napakaraming pagpapatawad na ang ipinagkaloob sa atin, ngunit napakahirap sa ating ipaabot ang kaparehong habag at pagpapatawad sa iba. Ngunit si Jesus—lubusang tulad ng hari—ay hindi interesado sa pakabig lamang na pagpapatawad. Tayo ay pinatawad ng ating mga kasalanan, pinakitaan ng kagandahang-loob na hindi natin kayang tamuhin, at tumanggap ng paraang mapawalang-sala ng Diyos kahit hindi tayo kailanman magiging karapat-dapat nito. Ang natatangi nating natural na tugon ay ang ipaabot ang kaparehong antas ng pagpapatawad sa iba. 

Kaya't ang pagpapatawad ay hindi isang damdamin. Bagkus ito'y isang pasya. At kung sumusunod tayo kay Jesus, ito'y isang pasya na kalimutan ang ating sama ng loob at nasaktan na damdamin upang maparangalan ang Diyos at maibalik sa dating kalagayan ang mga relasyon. 

Manalangin: O Diyos, salamat sa Iyong kagandahang-loob, habag, at pagpapatawad. Salamat sa pagbibigay sa amin ng paraan sa pamamagitan ni Jesus na mapawalang-sala Mo. Ipakita sa akin ang anumang mga aspetong kailangan kong pagsikapan o maipaabot ang pagpapatawad, at tulungan akong gawin ito. Sa pangalan ni Jesus, amen.

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Emotions

Ang marami sa atin ay sinusubukang iwasan o huwag pansinin ang ating mga emosyon. Maaaring iniisip pa natin kung ang ating pananampalataya at mga emosyon ay magkalaban. Noong panahon ni Jesus dito sa lupa, lubos na nadama ni Jesus ang mga emosyon. Hindi Siya malayo sa atin. Siya'y kasama natin—kahit sa ating mga emosyon. Sa 7-araw na Gabay sa Biblia na kasama ng serye ni Pastor Craig Groeschel na Emotions, titingnan natin kung paano namuhay si Jesus upang matuklasan kung paanong ang mga emosyon natin ay makakadagdag sa ating pananampalataya.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/