Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagiging Determinado sa Iyong Buhay May-asawaHalimbawa

Being Intentional In Your Marriage

ARAW 4 NG 5

Protektahan Araw-araw

Ang pagpoprotekta sa ibang tao ay madali para sa iba, ngunit hindi para sa ilan. Hindi lang ito tungkol sa pisikal na pagpoprotekta, bagama't isang bahagi ito. Ang pagpoprotekta sa ating asawa ay magpoprotekta rin sa ating buhay may-asawa. Napakaraming bagay ang nagtutunggalian sa ating oras, atensyon, at puso kaya nga mabuti para sa atin na lagi nating nasa isip ang proteksyon para sa ating buhay may-asawa. Narito ag ilang mga ideya kung paano mo mapoprotektahan ang iyong asawa. 

Lumago sa Pamamagitan ng mga Hidwaan 
Ang hidwaan ay hindi maiiwasan, dahil siguradong may hindi tayo pagkakasunduan at maiinis tayo. Ngunit, ang hidwaan ay tutulong sa atin upang maging mas malalim ang ating buhay may-asawa dahil natututo tayong maging matagumpay laban sa mga sagabal sa ating relasyon. Kung gaano kagaling mag-ayos ang mga mag-asawa sa mga nasira sa isang hidwaan ay isang mahalagang parte sa isang mahaba at matagumpay na buhay may-asawa. Huwag mong piliting isaisantabi ang isang problema at iwasan ang mga mapanghamong sitwasyon. Habang nararanasan mo ang hidwaan, piliing makipaglaban para sa iyong asawa, hindi laban sa kanya. Maaaring masaktan ang iyong asawa sa nasabing hidwaan, ngunit huwag mong sadyain na gawin ito. Daanan ang hidwaan sa maayos na paraan upang maprotektahan ang iyong asawa. Gumugol ng oras para suriin ang iyong buhay may-asawa pagdating sa hidwaan. Tanungin ninyo ang isa't-isa, "Sa palagay mo ba ay lumalaban tayo nang patas at mahusay ba nating naaayos ang hidwaan?"

Banayad na Katapatan 
Ang isang buhay may-asawa ay kailangang may kultura ng pagiging matapat. Nabubuo lang ito kung ang bawat isa ay naniniwalang ang pagiging tapat ay lubos na kailangan. Madalas, ayaw nating maging ganap na matapat sa takot na hindi tayo tanggapin ng ating asawa. Maaari rin naman na ayaw nating masaktan ang ating asawa ng katotohanan. Iniisip nating ang pag-iwas sa katotohanan ay makakapigil sa sakit, ngunit sa bandang huli, lalo pa itong nakakadagdag sa sakit. Ang pagiging tapat sa ating asawa ay nagbibigay ng proteksyon sa ating buhay may-asawa laban sa panlilinlang. Kapag tayo ay tapat sa maliliit na bagay, dadalhin tayo nito sa pagiging tapat sa lahat ng bagay. Suriing mabuti ang iyong buhay may-asawa. Pag-usapan ninyong mag-asawa ang kultura ng inyong buhay may-asawa pagdating sa katapatan at panlilinlang. Suriin kung saang parte kailangan ng pagbabago. 

Maging Handa Lagi 
Ang bahaging ito ng buhay may-asawa ay napakasimple, ngunit maaari itong magkaroon ng makabuluhang epekto. Ang bawat asawa ay may kanyang bigat na dinadala, kabigatang pinapasan, at kahirapang tinitiis. Ang pagkakaroon ng empatiya upang makita ang mga responsibilidad ng iyong asawa ay makakatulong upang malaman mo kung paano mo siya mapaglilingkuran. Kapag ginawa mo ito, magiging handa ka at hindi na niya kailangan pang magtanong sa iyo. Humanap ng mga paraan kung paano mong mapoprotektahan ang kanyang listahan ng gagawin upang hindi siya matabunan. Sorpresahin siya sa pamamagitan ng paggawa sa isang bagay na karaniwang ginagawa niya. Ang paggawa ng ganitong maliliit na bagay sa inyong buhay may-asawa ay magpapakita sa iyong asawa na talagang pinagmamalasakitan mo siya at hangad mong maingatan siya. 

Pagninilay
Saang bahagi kailangan mong mapagbuti ang iyong buhay may-asawa? Sa paglago sa pamamagitan ng hidwaan, sa katapatan, o sa pagiging handa?

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Being Intentional In Your Marriage

Ang isang matibay at malusog na buhay may-asawa ay hindi aksidenteng nangyayari lamang. Ang pagiging determinado ang susi sa pagkakaroon ng isang buhay may-asawang pinapangarap mo. Sa 5-araw na Babasahing Gabay na ito, bubulusok tayo sa iba't-ibang mga paksa na makakatulong sa iyo upang simulan ang proseso ng pagiging determinado kasama ang asawa mo upang marating mo ang buhay may-asawang hinahangad mo.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.