Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagiging Determinado sa Iyong Buhay May-asawaHalimbawa

Being Intentional In Your Marriage

ARAW 5 NG 5

Magmahal Araw-araw

Kapag nagmamahal tayo ng ibang tao, ito ay higit pa sa pagkakaroon ng damdamin na nagpapangiti o nagpapakilig sa atin. Ang pag-ibig na ipinakita sa atin ng Diyos ang ating gabay sa pagpapakita ng pagmamahal sa ibang tao. Kasama sa pagmamahal sa ating asawa araw-araw ang pag-una sa kanilang mga pangangailangan bago pa ang sa atin at ang pagbibigay-galang sa kanila kahit hindi natin ito gusto. May araw na madaling mahalin ang ating asawa, at may ibang araw na kailangan itong piliin. Narito ang ilang mga ideya kung paano mo totoong maipapakita ang pagmamahal sa iyong asawa.

Magkasamang Gawain 
Isa sa mga bagay na maaaring nakaakit sa iyo sa iyong asawa ay dahil siya ay ibang-iba sa iyo. Iyan man ang nangyari o hindi, ang paghahanap ng mga gawaing maaari ninyong gawin nang magkasama ay magpapalago sa inyong pagkakaibigan at sa bigkis na mayroon kayo. Pag-isipang maglingkod sa inyong simbahan o sa isang samahang hindi kumikita. Maaaring may isang laro kayong pwedeng panoorin o kaya naman ay isang aktibidad na maaaring gawin. Hindi naman ito tungkol sa kung ano ang gagawin, kundi ang matagpuan ninyo ang isang gawaing pareho kayong masisiyahan. Kung hindi pa ninyo ito napag-iisipan, gumugol ng panahon upang pag-usapan ninyo ng iyong asawa ang iba't-ibang pagpipilian.

Unahin ang Iyong Asawa
Sa mundong kinaroroonan natin, may milyong iba't-ibang bagay na umaagaw sa ating panahon. Tumatango tayo sa mga bagay na hindi natin dapat tinanguan. Kapag ginagawa natin ito, kadalasan ay ang ating asawa ang naitutulak sa linya ng mga prayoridad. Iniisip natin na mauunawaan naman nila, at maaari nga, ngunit ang paulit-ulit na paggawa nito ay magiging sanhi ng di-pagkakaunawaan na mahirap mapagtagumpayan. Kaya, piliin ang iyong asawa sa anumang makamundong kaugnayan. Unahin ang iyong oras na kasama sila upang maramdaman nilang sila'y pinapahalagahan, itinatangi, at minamahal. Maglaan ng panahon upang tanungin ang iyong asawa: Nararamdaman mo bang inuuna kita? Pagkatapos, makinig nang walang pagtatanggol sa sarili, at maging handa para sa ilang pagbabago. 

Magpakita ng Pagkagiliw 
Ang ibig sabihin ng salitang pagkagiliw ay matinding pagkagusto, na maipapakita sa iba't-ibang paraan. Hindi tayo nilikhang pantay-pantay pagdating sa ating mga pangangailangan, kaya't mainam na matutunan kung paanong nakakatanggap at kung paanong nararamdaman ng iyong asawa na mahal mo siya. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng mga salita, o kaya naman ay sa mga yakap. Maaaring nararamdaman ng iyong asawa kung gaano mo siyang kinagigiliwan kapag may ginagawa kang para sa kanya dahil ipinapakita nitong iniisip mo siya. Makipag-usap sa iyong asawa tungkol sa kung paano niya nararamdamang kinagigiliwan mo siya sa pamamagitan ng mga ipinapakita mo sa kanya, at pagkatapos ay gumawa ng pang-araw-araw na plano na gawin ito. Kung alam mo na, ano pang hinihintay mo?

Pagninilay
Saang bahagi kailangan mong mapagbuti ang iyong buhay may-asawa? Sa magkasamang gawain, sa pag-una mo sa iyong asawa, o sa pagpapakita ng pagkagiliw?

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Being Intentional In Your Marriage

Ang isang matibay at malusog na buhay may-asawa ay hindi aksidenteng nangyayari lamang. Ang pagiging determinado ang susi sa pagkakaroon ng isang buhay may-asawang pinapangarap mo. Sa 5-araw na Babasahing Gabay na ito, bubulusok tayo sa iba't-ibang mga paksa na makakatulong sa iyo upang simulan ang proseso ng pagiging determinado kasama ang asawa mo upang marating mo ang buhay may-asawang hinahangad mo.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.