Pagiging Determinado sa Iyong Buhay May-asawaHalimbawa
Determinado ba Ako sa Aking Buhay May-Asawa?
Nakakita ka na ba ng mag-asawang tila laging masaya at matibay ang pagsasama? Tila alam ng mag-asawa kung paano maging mag-asawa? Parang halos napakaliit o walang pagsusumikap na kailangan habang tinatapos nila ang iniisip ng bawat isa at nakakatagpo sila ng mga paraan upang paglingkuran ang isa't-isa. Hindi lang nila minamahal ang bawat isa, kundi gusto rin nila ang isa't-isa. Kaya, anong mayroon ang mag-asawang ito upang magkaroon ng ganitong uri ng relasyon? Ang isang napakahalagang susi ay ang pagiging determinado.
Ang isang malusog at matibay na buhay may-asawa ay hindi isang aksidente lamang at hindi ito nariyan dahil lamang sa may naramdaman tayong kilig noong panahong hindi pa tayo kasal. Kapag ang isang mag-asawa ay nagpapakita ng determinasyon, sinasadya nila ang kanilang mga kilos, may layunin ang kanilang mga plano, at kusang-loob silang kumikilos para sa pinakamagandang maaaring mangyari sa kanilang buhay may-asawa, hindi ng kani-kanilang mga sarili.
Sabihin nating may napansin kang isang masayang mag-asawa at gusto mong maranasan kung anong mayroon sila. Nais mo ang kalalimang nakikita mo sa kanilang relasyon. Sinumang mag-asawa na nakakaranas niyan ay sasabihing kailangan nito ng pagsusumikap—tanungin mo sila.
- Nakikita mo kung gaano silang kasaya nang magkasama, ngunit ang hindi mo nakikita ay ang gusot na kanilang pinagdaanan at nilakbay upang makarating sa isang mas malalim na bahagi ng kanilang relasyon.
- Nakikita mo kung gaano sila nagiging maalalahanin sa isa't-isa, ngunit ang hindi mo nakikita ay ang pagsisikap na ipinuhunan nila upang unahin ang isa't-isa nang higit sa ibang makamundong relasyon.
- Nakikita mo kung gaano silang nagkakaisa, ngunit ang hindi mo nakikita ay ang mga pagpiling kanilang ginawa upang isaisantabi ang sarili nilang mga plano para gawin ang planong makakatulong sa kanilang buhay may-asawa.
Kung iniisip mong ang ganitong uri ng relasyon ay hindi mo kayang abutin, panahon na upang baguhin mo ang iyong pag-iisip. Ang pagkakaroon ng buhay may-asawang pinapangarap mo ay posible. Sa Gabay na ito, gugugulin natin ang mga susunod na apat na araw upang matutong makipag-ugnayan, magtaguyod, magprotekta, at magmahal nang may kalaliman sa ating mga buhay may-asawa. Dahil kapag ginawa natin iyan, ang kagalakan, kapayapaan, pagmamahal at pakikipagkaibigan na mararamdaman natin sa ating asawa ay bubulusok paitaas.
Pagninilay
Determinado ba ako sa pagpapakita sa aking asawa ng aking pagmamahal at pagmamalasakit para sa kanya?
Nararamdaman ko bang determinado ang aking asawa sa pagpapakita ng kanyang pagmamahal para sa akin? (Pag-usapan ninyong mag-asawa ang inyong mga sagot.)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang matibay at malusog na buhay may-asawa ay hindi aksidenteng nangyayari lamang. Ang pagiging determinado ang susi sa pagkakaroon ng isang buhay may-asawang pinapangarap mo. Sa 5-araw na Babasahing Gabay na ito, bubulusok tayo sa iba't-ibang mga paksa na makakatulong sa iyo upang simulan ang proseso ng pagiging determinado kasama ang asawa mo upang marating mo ang buhay may-asawang hinahangad mo.
More