Paghahanap ng KapahingahanHalimbawa
Pagnilayan ang Banal na Kasulatan
Makinig—para aktibong maglaan sa pakikinig, pagbibigay ng maingat na atensyon.
Lahat ng Banal na Kasulatan ay kinasihan ng Diyos. Kapag nagbabasa o nakikinig tayo sa Salita ng Diyos—at kapag aktibo nating pinagninilayan ang sinasabi nito—sa pagdaan ng panahon, natututunan nating makilala ang boses ng Diyos. Ang layuning pagbibigay ng oras sa Biblia ay nangangailangan na gawing prayoridad ang pagtuon ng pansin na makapiling si Jesus.
Kapag ikaw ay nagbabasa o nakikinig sa Banal na Kasulatan, bigyan mo ito ng sapat na oras at espasyo at talagang hayaan ang mga salita, ang mga kahulugan, ang tono, at ang kontekso nito na punuin ka. Ang YouVersion ay nagbibigay ng daan-daang audio versions ng Biblia, kaya madali na pindutin lang ang Play at makinig.
Kung mayroon kang Google o Amazon voice activated device, maaring masiyahan ka sa pakikinig sa Mga Awit ng YouVersion Rest. Subukan mo lamang ang mga sumusunod:
“Ok Google, open YouVersion Rest.”
“Alexa, open YouVersion Rest.”
(Maari mo ring hanapin ang aming YouVersion Rest Playlist sa YouTube, at subukan ang aming YouVersion Rest Video Collection sa loob ng Bible App.)
Pagnilayan: Maglaan ng 30 minuto sa araw na ito upang magbasa o makinig sa Salita ng Diyos. Sa oras na iyon, i-snooze ang iyong kalendaryo at mga abiso. Itala at isulat ang iyong mga nasa isip.
Tungkol sa Gabay na ito
Maraming mga pag-aaral ang nagsasabi sa atin na ang pahinga ay kritikal sa ating pisikal, mental at emosyonal na kalusugan. Lubhang mahalaga ang pahinga sa Diyos kung kaya ginawa pa Niya itong isa sa Kanyang mga Utos. Alam natin na kailangan nating magpahinga—bakit hindi tayo nagpapahinga? Sa simpleng 5-araw na Gabay na ito, titingnan natin ang bakit, kailan, saan, at paano tayo magpapahinga, maging ang kasama nino.
More